Kamakailan ay napuno ang Star City ng mga cast ng Princess Sarah ng ABS-CBN.
Napuno ito ng masasayang palaro at kapana-panabik na production numbers tampok ang mga paboritong Kapamilya stars at fantaserye characters. Tulad ni Pooh ng Pangarap na Bituin, ang couple ng Love Spell: John James Uy at Kim Chiu. Nagturo ng sayaw si Lastikman, Vhong Navarro sa ilang masuwerteng kababaihan. Bumisita rin ang mga gwapong kasama sa fantaserye tulad nina Enchong Dee, Danilo Barrios, nakisaya rin si Super Inggo (Makisig Morales) at lalo pa niyang pinabilib ang mga tagahanga sa kanyang dance number kasama si bespren Jomar (Jairus Aquino) at labs niyang si Maya (Kathryn Bernardo).
Pero higit na lumiwanag ang pagdiriwang sa pagpasyal ng buong cast ng pinakabagong kiddieserye ng Dos, ang Princess Sarah na pinangungunahan ni Sharlene San Pedro, Irish Fullerton, Helga Krapf, Bubbles Paraiso, Angel Sy, Julio Pisk, Khaycee Aboloc, Noemi Oineza, Bianca Pulmano, Sophia Baares at Ms. Sheryl Cruz. Dumating sila sa kanilang mga naggagandahang costume at lalong pinasaya ang mga manonood sa pamamagitan ng mga dance and song numbers.
* * *
Sa mga yugto sa linggong ito ng Zaido, ipagpapatuloy nina Cervano (Aljur Abrenica) Alexis (Marky Cielo) at Amy (Kris Bernal) ang kanilang nakakakilig na love triangle habang si Zaido Blue o Gallian ( Dennis Trillo) ay magpapatuloy sa kanyang pakikibaka sa mga Kuuma. May bago siyang kalaban, si Gamma, na kayang tapatan ang kanyang lakas at kakayahan. At para itong chameleon na nakukuha ang anyo ng bawat madikitan niya. Paano magwawagi si Zaido Blue sa kanya, kung nag-iisa ito at ang mga kasama ay may ibang pinagkakaabalahan?
Medyo malalamangan ni Alexis si Cervano dahil magtatapat na ang huli ng pag-ibig kay Amy.
Sa mga Zaido, mas mahirap ang hamon ng role kay Kris Bernal dahil babae siya at maliit pa.
“Hirap talaga ako at nananakit ang katawan dahil wala talaga akong pahinga sa training. I have to be fit para makasabay sa mga lalaki. Hindi na kami puwedeng gumamit ng double dahil mahahalata, eh ang daming tumbling, minsan para hindi ako masaktan, nilalagyan nila ng kutson ang babagsakan ko pero, andun pa rin ang sakit.
“Wala akong reklamo, kahit sa mga fight scene ko ay lumalabas, nakikita na ang panty ko, maganda ang role ko, biruin mo, babaeng Zaido, okay na lang yung sakit from the training,” sabi pa ni Kris.
* * *
Waging-wagi na naman si Mother Lily sa kanyang movie na Bahay Kubo. Wala yatang press ang hindi naluha nang mapanood ang trailer nito. Kahit nangingibabaw ang comedy nito, damang-dama ang drama na hatid ng kuwento ng isang pamilya na hindi man magkakadugo pero, may pagmamahal sa puso.
Ganda ng chemistry nina Maricel Soriano at Eugene Domingo. Nakatuklas si Joel Lamangan ng isang magandang tambalan sa dalawang magagaling na aktres. Maganda naman ang MMFF entries ng Regal Films (Desperadas, Shake Rattle & Roll ang dalawa.)
Kung alin ang pinakamaganda sa tatlo, yun ang malalaman natin sa pagsisimula ng MMFF sa Pasko.
* * *