Walang nakaalam na nag-cool off ang mag-syotang artista dahil na-turn off ang actor nang malasing ang actress-girlfriend sa isang party. Sumuka at basta na lang natulog ang actress sa sobrang kalasingan na dala naman ng selos.
Nahiya siguro ang actress sa ikinilos, kaya nakipag-cool off at tinanggap naman ito ng actor. Pero, one week lang tumagal ang cool off ng dalawa at ang actress din ang nakipag-balikan. Naisip sigurong siya ang mali at maraming puwedeng ipalit sa kanya ang actor kung patuloy niyang aawayin.
In fairness, mahal ng actor ang girlfriend dahil kahit nakita in her worst (nagsuka at natulog sa tabi-tabi), kanya pa ring binalikan. (NM)