^

PSN Showbiz

After 7 years: Erap at Sen. Bong nagkaayos na

RATED A - Aster Amoyo -

Ngayong November 23 ang actual na kaarawan ng panganay nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito na si Janella na 18 years old na ngayon pero ang kanyang engrandeng debut party ay nakatakdang ganapin sa Sofitel Hotel sa Nobyembre 30. Si dating Pangulong Joseph Estrada ang first dance ni Janella habang si Sen. Jinggoy naman ang magiging last dance.  Kabilang din sa 18 roses si Sen. Bong Revilla.

Sa kauna-unahang pagkakataon in almost seven years ay ngayon lamang maghaharap ang mag-ninong na sina  Erap Estrada at Sen. Bong magmula nang bumaba sa puwesto ang dating pangulo.

Pero bago pa naganap ang nasabing debut ay nauna nang nagkita ang dalawa sa surprise birthday dinner para sa birthday ng asawa ni Jinggoy na si Precy. Balitang nagkamayan at nagyakapan sina dating Pangulong Erap at Sen. Bong.

Sa presscon ng pelikulang Katas ng Saudi, inamin ni Jinggoy na hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng kanyang ama kapag muli nitong nakaharap si Bong.  Pero umaasa ang batang senador na ito na ang magbubukas ng panunumbalik ng dati nilang relasyon.

Si Janella ang paboritong apo ni dating Pangulong Erap. Ano ang pakiramdam na magdi-debut na ang kanyang panganay?

“I feel old,” natatawang pahayag ni Jinggoy.

Samantala, sinabi ni Jinggoy na kamuntik nang hindi matuloy ang filming ng Katas ng Saudi dahil ayaw umano ng kanyang ama na magpelikula siya habang nasa public service siya.  Pero nang kanyang ipaliwanag ang tema ng pelikula na kanyang tribute sa mga OFW, pumayag daw ito.

Kapag tuluyang gumaling ang kanyang kumpareng si Daboy (Rudy Fernandez) sa karamdaman nito, itutuloy umano niya ang pagpu-produce ng pelikula na tatampukan nilang apat na magkakaibigan kasama sina Bong Revilla, Phillip Salvador at Daboy.

BONG REVILLA

DABOY

ERAP ESTRADA

JINGGOY

PANGULONG ERAP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with