True ang mga balita na malapit nang mag-goodbye sa ere ang Magpakailanman ni Mama Mel Tiangco.
Sa totoo lang, naisulat na ng writers ng Magpakailanman ang farewell spiels ni Mama Mel.
Ang alam ko, malalaking true story ang mapapanood sa mga huling episode ng Magpakailanman na ilang taon na rin ang itinagal sa telebisyon.
Tamang-tama sa pamamaalam ng Magpakailanman ang tribute na ibinigay kay Mama Mel ng mga miyembro ng PMPC.
Mami-miss ng televiewers ang Magpakailanman at hindi sila dapat mag-alala dahil araw-araw pa rin nilang mapapanood si Mama Mel sa 24 Oras. Malay n’yo, bigyan siya ng bagong show ng Kapuso network?
Malungkot ang staff ng Magpakailanman sa nalalapit na goodbye ng kanilang show pero happy sila dahil magwawakas na mataas ang rating ng programa nila.
* * *
Hindi ko pa natatanggap ang kopya ng demanda nina Sam Milby at Piolo Pascual kaya hindi pa ito puwedeng sagutin ng aking lawyer na si Atty. Noel Malaya.
Ito ang aking paulit-ulit na sagot sa paulit-ulit na tanong ng mga tao na araw-araw na nakakasalamuha ko.
Hindi ko rin alam kung paano nalaman ng Seen/Scene ang pagpunta at pagkain ko sa Max’s Restaurant.
So what naman kung si Piolo ang endorser ng Max’s eh isa ito sa mga favorite restaurant ko at ng aking mga kamag-anak?
Bakit ko naman idadamay ang Max’s sa demanda sa akin ni Piolo eh matagal nang may Max’s bago pa nagkaroon ng Piolo Pascual ‘no!
Kailan naman kaya ako padadalhan ng Max’s ng mga gift certificate para maranasan ko na kumain ng libre sa kanilang restaurant?
* * *
Sure at why not ang sagot ko kay Cherry Shandra <xedche@yahoo.com> ng Las Vegas na sumulat sa akin dahil gusto raw niyang mainterbyu ako kahit sa pamamagitan ng e-mail. Cherry, ipadala mo na ang listahan ng mga tanong mo para masagot ko na!:
Hello, Ms. Lolit! Everyday binabasa ko ang column mo sa PSN. Once in a while nagpo-post ako ng comment pero lagi namang dine-delete ng admin! Aliw na aliw ako sa ‘yo kasi masang-masa ang dating mo at may sense ang sinusulat. Just want to wish you good luck sa demanda nina Spam and Piolex.
Agree ako na part and parcel ng showbiz ang intriga at di nila kailangang mag-react to the max. I am sure the truth will prevail.
I am an aspiring news correspondent here in the USA and nag-apply ako for a job with balita.com. Pinapili ako kung ano ang gusto kong first assignment.
Puwede ba kitang ‘interbyuhin’ thru e-mail (I can send the questions and you can answer back)? Sana naman pumayag ka (no personal questions, about your job lang sa Startalk and as a columnist).
Tulong mo na lang ito sa kababayan mo. Kung di puwede, okay rin lang. I’ll still remain your fan (at hindi kita lalaitin sa mga articles ko in the future)... batiin mo na lang ako sa column mo (hahaha)!