Young actress binawalang maglambing sa lalaki

Concerned lang siguro ang network sa isang young actress nang pagsabihan siyang bawas-bawasan ang pagiging malambing sa mga male co-stars. Baka raw kasi ma-misinterpret ng iba  ang kanyang sweetness at palabasing flirt siya.

Katwiran naman ng young actress, wala namang malisya ang kanyang pagiging friendly at gusto lang naman niyang maging maganda ang working relationship niya sa lahat.

Natural daw ang pagiging sweet sa young actress at para siyang si Vilma Santos na laging may nakahandang ngiti para sa lahat.

Pero nangako naman siya sa management na babawas-bawasan na niya ang pagiging sweet para hindi siya matsismis at ma-link sa mga lalaking nakaka­sama sa trabaho.

* * *

For sure ay lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ng Prinsesa ng Banyera  staff dahil sa mga artista nilang pasaway at magugulo ang utak.

Ang mga bida kasi nilang sina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz ay may kanya-kanyang drama sa buhay.

Si Kristine, hayun at naguguluhan daw sa personal life kaya apektado ang trabaho.

Si Angelika naman, biglang-biglang lumipat na sa GMA-7 gayung umeere pa ang teleserye niya sa ABS-CBN.

Puring-puri pa naman dati ng staff ng Banyera si Angelika dahil professional sa trabaho at very cooperative unlike Kristine na bigla na lang iiyak nang walang dahilan at bigla na lang hindi sisipot sa promo.

Nakakaloka.

Ang siste, wino-work-out pa naman daw ang second season ng teleserye at ewan lang kung ano na ang mangyayari ngayon.

Pag ganito naman ang mga artista mo, buti pa ngang tsugihin na at palitan na lang ng bagong programa. (VINIA VIVAR)

Show comments