SEEN: Hindi sinipot ni Cristine Reyes ang presscon ng sariling pelikula (Green Paradise) dahil iniiwasan niya na magsalita tungkol sa isyu nila ni Carlene Aguilar na humantong sa korte.
Kung hindi man kumita sa takilya ang launching movie ni Cristine, siya ang dapat sisihin. Hindi siya nagpakita ng malasakit sa kanyang pelikula, ang ibang tao pa kaya? Nagkaroon noon ng problema sa shooting ng Green Paradise. Nagbanta si Cristine na hindi niya tatapusin ang pelikula.
Maaaring ginamit na excuse ni Cristine ang isyu nila ni Carlene para huwag siyang dumalo sa presscon ng pelikula na tinapos niya sa kabila ng kanyang mabigat na kalooban.
SCENE: Napag-alaman ng Seen/Scene na hindi pa handa na magsalita si Dennis Trillo tungkol sa kontrobersiya na pinasok niya. Mahihirapan si Dennis na ipagtanggol ang sarili dahil parehong may katwiran sina Carlene at Cristine.
Nasaksihan ng mga nanood ng The Buzz ang talino ni Carlene at ang pagkakaroon nito ng paninindigan, isang karakter na kulang kay Dennis. Ang babae na katulad ni Carlene ang kailangan ng isang tulad ni Dennis na mahina ang loob at emotionally dependent sa mga tao na nagmamahal sa kanya. Kung emotionally weak si Carlene, hindi aabot sa limang taon ang relasyon nila ni Dennis.
SEEN: Si Lucy Torres ang endorser ng Rustan’s at pruweba ang half-page ad na lumabas sa mga broadsheet, ilang araw na ang nakararaan. Ang pagkuha ng Rustan’s kay Lucy ang ebidensya na paninira at hindi totoo na nasangkot siya sa shop-lifting incident sa department store ng mga mayayaman. Vindicated si Lucy at napahiya ang mga nanira sa kanya.
SCENE: Ipinakita ni Janno Gibbs ang pagiging immature nang mag-walk out siya sa SOP noong Linggo dahil hindi siya tinawag ng staff para sa opening number ng programa.
Pinairal ni Janno ang pagtatampo. Nakalimutan na niya ang pagsasakripisyo ng production staff sa tuwing siya naman ang late sa call time. Alam sa buong showbiz ang pagiging late-comer ni Janno. Napanood ng PSG ( Pilipino Star Gossip Group) ang SOP noong Linggo. Dapat malungkot si Janno kapag nalaman nito na hindi napansin ng PSG ang kanyang absence. Natuloy pa rin ang show kahit wala siya.
SEEN: Nakita si Lolit Solis sa branch ng Max’s Restaurant sa Circle, Quezon City noong Linggo. Si Piolo Pascual ang endorser ng Max’s. Natawa ang mga kostumer ng restaurant sa eksena na nakita nila, magkalapit si Lolit at ang life-size standee ni Piolo.
SCENE: Pre-empted ng Kamandag ni Richard Gutierrez ang Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual. Kung full-length TV series ang Lobo, isa lamang ang mga taong lobo sa maraming karakter na mapapanood sa Kamandag. Sinadya o nagkataon lang? Be the judge!