Sino ang unang magiging Champion?

Apat na lamang ang nalalabing celebrity conten­ders sa Pinoy Mano Mano: the Celebrity Boxing Challenge ng ABS CBN – Jordan Herrera, Rico Robles, Michael Roy Jornales at ang nanalo sa laban nung Sabado, si  Joem Bascon, pinakabata sa apat.

Sa Sabado simula na ang semi-finals, unang magsasagupa sina Rico Robles at Michael Roy Jornales sa bagong timeslot na 10:30 NG, sina Jordan Herrera naman at Joem Bascon ang maghaharap sa susunod na Sabado. Ang winners sa dalawang laban ang maghaharap sa grand finals sa Dis. 15 sa San Juan Gym.

Nakakaaliw palang manood ng Pinoy Mano Mano ng live. Hindi naman kasi ito as bloody as a real boxing bout.

Tatlong rounds lamang  at dalawang minuto lamang bawat round.

Nung manood ako ng laban nina Joem Bascon at Erik Fructuoso ay umabot lamang ng second round ang laban, ni hindi nga natapos ang round dahil dalawang ulit may lumagutok sa balikat ni Erik at namilipit ito sa sakit. Kinailangan siyang itsahan ng tuwalya para pigilin ang laban.

Sa unang laban nina Hyubs Azarcon at Jeffrey Tam, parehong komedyante, naging katatawanan ang laban dahil panay ang takbo ni Jeffrey at kapag nahahabol lamang siya ni Hyubs nagkakabakbakan. Nanalo si Hyubs dahil nawalan  ng hangin si Jeffrey sa katatakbo.

* * *

Bukod sa paggawa ng indie film na Nars na kung saan ay nakipag-joint venture siya kay Carlo Maceda, may joint recording venture din si Carl Balita, pangulo ng Ultimate Creatives, para magawa ang album na  Dream, isang compilation ng mga inspirational songs. (If I Can Dream, Sa Bawat Tagpo ng Buhay, Bridge Over Troubled Water, Imagine, Nais Ko, When You Wish Upon a Star, Somewhere Over the Rainbow, Climb Every Mountain at marami pang iba) na binigyan ng bagong areglo ng mga kilalang musikero (Marvin Querido, Ernie Baladjay, Mel Villena at Rhia Osorio).

Nagkaroon ng launching ang Dream album na ipamamahagi ng Ivory Records   sa Crossroad 77 Convenarium, Mother Ignacia St., 4NH at itatampok ang lahat ng artists sa album.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo.com

Show comments