Francine mas feel na kontrabida

Labing apat pa ang anti-rabbies injection na bubunuin ni Gladys Reyes dahil sa kagat ng ligaw na pusa nang mag-presscon sila ng My Only Love.

“Mabuti na lang at naagapan ito at ang huling injection ko ay sa December 5 pa. Ang sakit pala ng iniksyon sa anti-rabbies at mas masakit pa sa ceasarian,” anang aktres.

Sa kabilang banda, kontrabida na naman ang role ni Gladys sa My Only Love. Maganda ang feedback sa aktres bilang host ng Moments sa Net 25.

* * *

Dalawa at kalahating buwan na nakapag-bakasyon si Richard Gutierrez kaya nagkaroon ng pagkakataong makapag-soul searching. Handang-handa na siya sa kanyang bagong teleseryeng Kamandag kung saan bukod sa cardio exercises ay nagkaroon ito ng training sa mixed martial arts under kay Brandon Vera.

Personal choice nito si Jewel Mische na isa sa kanyang leading ladies. May nang-iintriga na kamukha kasi ito ni KC Concepcion na crush din ng guwapong aktor. Pangarap din nito na makapareha si KC kaya umaasa na sana’y huwag nang pairalin ang network war para makapagtrabaho din siya sa ibang network.

* * *

Kung ang ibang kontrabida ay gusto nang kumawala sa pagiging masama gaya ni Katrina Halili ay taliwas naman ito kay Francine Prieto. Gusto  niyang subukan ang character role gaya nang ginagampanan niya ngayon sa Kamandag bilang si Reyna Kuran - ang reyna ng taong musang na malupit sa mga taong mortal.

Show comments