Rustom maraming kuwento sa kabadingan
Gandang-ganda ako kay Rustom Padilla nang magkita kami noong Sabado para sa interbyuhan portion namin sa Showbiz Central.
Parang modelo na rumarampa si Rustom habang naglalakad, isang bagay na kanyang hindi nagawa noong pinaninindigan pa niya ang pagiging mhin.
Nagkuwentuhan muna kami ni Rustom bago kami sumalang sa harap ng kamera.
Mga juicy ang statement ni Rustom pero hindi ko puwedeng ikuwento dahil nangako ako na off-the record and between us ang aming usapan.
Oo naman, tungkol sa mga kabadingan niya at ng ibang aktor ang aming topic ‘noh!
* * *
Noong lalake pa si Rustom, idinemanda niya si Anjo Yllana dahil sa biro nito na bading siya.
Ang sey ni Rustom, na-hurt siya sa biro ni Anjo dahil totoo kasi na baklita siya pero hindi pa niya accepted.
“Naku Nay, kung tunay na lalake ka, hindi ka affected sa mga tsismis na bading ka dahil secured ka sa pagkalalake mo!’ ang sey ni Rustom na ilang na ilang pala noon kapag nasa grupo siya ng mga lalake.
Laugh ako nang laugh sa sinabi ni Rustom na kung tunay na lalake ka, hindi ka maiilang na tumingin sa hubad na katawan ng lalake. Eh hindi raw siya komportable noon dahil nga bading siya!
Bilib ako kay Rustom dahil nag-research siya talaga tungkol sa libel case na isinampa laban sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby.
May notes (notes talaga ‘no!) pa si Rustom tungkol sa interbyu sa akin ni Papa Joey de Leon sa Startalk. Talagang ginawa niya ang kanyang homework dahil dream din pala ni Rustom na maging co-host ng isang talk show. Why not?
* * *
Sina DJ Mo at Rustom ang nag-interbyu sa akin. Nasa umpisa pa lang kami ng aming interbyuhan portion nang dumating si Papa Al Pedroche, ang editor-in-chief ng PSN.
Nanghinayang ako dahil hindi kami nagkaroon ng pagkakataon ni Papa Al na magkakilala nang personal dahil umalis siya kaagad.
Touched ako sa ginawang pagpapainterbyu ni Papa Al sa Showbiz Central para ipaalam sa lahat na suportado ako ng management ng PSN (Pilipino Star Ngayon, hindi Piolo, Sam and Nanay Lolit ‘no!) sa kaso na isinampa sa korte nina Sam at Piolo. Maraming salamat Papa Al at thank you din kay Papa Miguel Belmonte!
* * *
Kailangan kong pasalamatan ang mga nagpadala sa akin kahapon ng words of encouragement sa pamamagitan ng e-mail.
Kung may alok-bati portion ako sa Startalk, may alok-bati din ako para sa dear readers ng PSN. Thank you, thank you kina Wendy, Petite, Fay Alviento, Marilyn Molina, Marie Grace Cajili, Mina Torres ng Cabuyao, Laguna, Belle, Dixie Fashionista ng Japan, Ecel Cuenca ng Shanghai, Mlye na hanga kay Carlene Aguilar, Vince Acosta ng Portland, Len ng San Francisco, Manny Santos na super-emote kaya natawa ako, Edgar Santi ng US, Ricardo Rodriguez, Carlo Constantino na tinawag ako na Miss Pretty Lolit, si Julius na hindi ko sasabihin ang apelyido pero nagpapahanap sa akin ng textmate na artista na silahista dahil discreet bisexual daw siya, Teo Clemena at Troy.
Maraming-maraming salamat sa inyo. Makakaasa kayo na binabasa ko ang lahat ng mga e-mail ninyo sa akin dito sa [email protected].
- Latest