Nagkita sa Dulcinea noong Biyernes ng gabi sina Sen. Jinggoy Estrada at Rep. Datu Arroyo. Nasa restaurant ang senador para interbyuhin para sa Katas ng Saudi at siya pa ang nagsabi sa press na naroon ang Congressman. Nabasa niya ang name nito sa baba, kasunod ng pangalan niya. Siguro raw may meeting ang anak ni President Gloria Macapagal-Arroyo.
Maya-maya lang, pumasok si Rep. Datu sa function room kung saan ini-interview si Sen. Jinggoy at binati siya. Gumanti naman ng bati ang senador at nagngitian sila, pero hindi namin narinig na prinomote ng senador ang movie niya kay Datu. Ha-ha-ha!
Nag-promise si Jinggoy na magko-cooperate sa promo ng pelikulang produced ng kanyang Maverick Films at entry sa Metro Manila Film Festival.
* * *
Inggit na inggit kay Iza Calzado ang mga bading sa set ng Batanes , dahil nang tinuruan siya ng tai chi ni Ken Zhu, hinawakan ang kanyang tiyan. Tapos, sa last shooting day, minasahe nito ang kanyang hita na nagka-pulled muscles. Biniro itong umarte lang para maka-chanching sa Taiwanese singer-actor.
Kinabahan si Iza nang unang dumating sa Batanes si Ken dahil Asian superstar ito at baka umarteng superstar, pero sobrang grounded ito at hindi nagsasayang ng pagkain. Walang reklamong kinain ang malamig na noodles dahil ayaw maulit ang nangyari noong ‘di pa siya sikat na hindi siya kumain for three days dahil walang pambili.
Samantala, ipalalabas sa SOP ang full trailer ng Batanes. (Nitz Miralles)