MBC inayawan na ang MMFFP!

Matapos ang ilang taong pakikipagtulungan sa Metro Manila Film Festival, para sa pagdaraos ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino, bigla ay nag-beg off ang Manila Broadcasting Company (MBC) at ibinigay nitong dahilan ang pagdaraos ng Paskong Pinoy na pagtutulungan nila ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na gawing isang engrandeng Pamasko para sa publiko mula Dis. 18-22.

“Pero, hindi naman namin tutuluyang talikdan ang MMFFP,” panimula ni Jun Nicdao, MBC president, “Dahil ipagpapatuloy namin ang ginaganap naming Cash sa Pelikula promo na sinimulan namin nung 2006.”

Ang Paskong Pinoy ay magpapamalas ng tradisyong Pilipino.

Sa Dis. 18, magsisimula ang Simbang Gabi (CCP front lawn, 5:00 NU), ceremonial lighting ng mga Bauan parol, 2:00 NH, Sopas, Sining, Sorbetes (food to taste, art to appreciate, CCP Ramp) para sa mga 1,200 kapuspalad na mga batang Pinoy.

Sa 6:30NG, mapapanood ang Panunuluyan (paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan) tampok ang mga batang personalidad sa showbiz, kasama ang Ramon Obusan Folkloric Group, ang Angono Higantes, circus performers, at ballet dancers. Magsisimula ito sa CCP at magtatapos sa Star City.

Tampok din ang Himig ng Pasko (choral compe­tition) at Ilaw ng Pasko (lantern float competition) sa Dis. 18-22.

Gabi-gabi may pag­tatang­hal ang mga sikat na rock bands sa Tugtog ng Pasko kasabay ang isang tiangge ng mga Pamasko sa CCP Liwa­sang Kalikasan.

Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa 8321125 loc. 1113-1117/8326125/7294013.

* * *

Alam mo ba kung ano ang Kawasaki Disease? Isang singaw lang ito na kapag di nagamot ay maaring makamatay. Ngayong Linggo ipaliliwa­nag nina Mel & Joey ang lahat ng tungkol dito.

Makikita rin sa prog­rama nila ang isang Pinoy trainer ng mga ibon, ita­tam­pok din nila ang mga may maiitim na balat pero, dinadakila at nire­res­peto at ang isang pin­tor na hindi sa canvass nagpipinta kundi sa balat ng punongkahoy.

* * *

Magliligid naman ang mga nalalabing conten­ders sa Philippines Hair Diva 2007 ni Ricky Reyes sa mga palengke at malls. Hihikayatin ni­lang magpakulay ng buhok ang mga tindero at mamimili. Ang ibabayad sa kanilang mga produk­to’y ibibigay nila sa Child House project ni Mother Ricky. Ang dalawang may pinakakonting ma­ku­kulayan ay magiging candidate for elimination.

* * *

Akala ko si Dennis Trillo lamang ang pinag­aagawan sa local show­biz, mayro’n pa rin palang iba, tulad ng isang music icon na nahahati ang pu­so sa dalawang babae, sino ang papa­boran niya?

May follow up sa isang sexy star na buhay prin­sesa na ngayon pero, nag­durugo ang puso da­hil may pag-ibig na ipinag­la­laban. Maisalba kaya niya ang kanyang relas­yon?

Dadalawa pa lamang ito pero, sapat na ito para abangan ng manonood sa TV ang Showbiz Cen­tral na ilang linggo na ring namamayani sa ere.

* * *

veronicsamio@yahoo.com

Show comments