Maja nagluluksa!

Hindi gaanong apektado ng kawalan ng pro­yekto ang isang baguhang aktor na produkto ng isang reality show, bakit nga naman siya magi­ging problemado, samantalang meron naman siyang pinagkukunan ng kanyang mga panganga­ilangan.

Nakilala ng aktor na ito ang isang gay business­man dahil sa pagbebenta niya ng kung anu-anong ka­gamitan, in fairness ay nagtatrabaho naman nang legal ang aktor, pero hindi pa rin kasya sa kan­yang mga gastusin ang kinikita niya sa pagiging “sales man”.

Mautak ang gay businessman, hindi nito pina­punta ang aktor sa opisina kundi sa kanyang bahay, magaling ang sales talk ng aktor kaya mara­ming paninda niya ang binili ng bading na negosyante.

Mula noon ay regular na silang nagbabalitaan, nag­kikita rin sila paminsan-minsan, hanggang sa isang gabi ay natuloy ang lahat sa isang maro­man­sang pagkikita nila sa mismong condo unit ng gay businessman.

Dun na nagsimula ang kanilang relasyon, nagbebenta pa rin ng mga kagamitan ang aktor, pero kumbaga ay sideline niya na lang yun dahil meron na siyang inaasahan.

“Baby” ang tawagan ng bading at ng aktor, walang patumanggang ganun nga ang kanilang tawagan, kahit pa nahihilasan na ang kanilang mga kaibigan.

Kuwento ng gay businessman tungkol sa aktor, “He’s not so big, pero magaling siya. Grabe siyang rumomansa, parang girl talaga ang turing niya sa akin. I’ll keep him forever na siguro dahil marespeto siya,” kuwento nito.

Ang isa pang katangian ng aktor na gustung-gusto ng bading ay hindi raw siya mukhang pera, ilang beses nang inalok ng gay businessman ng malaking halaga ang aktor, pero hindi niya tinanggap dahil maliit lang naman ang kailangan niya.

Galing sa isang malaking bahay ang aktor na ito, tunog-boksingero ang kanyang pangalan, wala siyang gaanong proyekto ngayon.

* * *

Taos-puso kaming nakikiramay sa pagpanaw ni G. Ross Rival, ama ni Maja Salvador, binawian ito ng buhay kahapon ng madaling-araw sa Capitol Medical Center at ang kanyang mga labi naman ay nakalagak ngayon sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Avenue corner Scout Chuatoco.

Hindi nabigyan ng pagkakataong magkasama nang matagal ang mag-ama, nagkaroon lang sila ng komunikasyon nung mag-artista na si Maja, naganap ang pagkikita ng mag-ama sa bahay ni Kuya Ramon Salvador.

Walang naging pagkukulang si Maja sa kanyang ama, hindi man ganun kalakihan ang kinikita ng batang aktres ay hindi siya nakalilimot tumulong sa kanyang tatay, ang dahilan kung bakit sinusuwerte siya sa kanyang career.

Magaling na aktres si Maja, yun ang katangiang nakuha niya sa kanyang ama, marami ring nagsasabi na kahawig ng dalaga ang kanyang Tita Mina Aragon.

Nung minsang nagkakuwentuhan kami ni Kuya Ramon ay sinabi nito sa amin na kapag napapanood nito si Maja ay bigla itong nawawalan ng kibo. “Si Ate Mina kasi ang nakikita ko sa kanya, sila ang magkamukha,” sabi ni Kuya Ramon.

Sa pagpanaw ng kanyang ama ay walang dalahin sa kanyang konsensiya si Maja, naibigay niya ang tulong na maaaring ibigay ng anak sa kanyang magulang, kahit pa lumaki siyang hindi naman ito kasama.

Sa huling panayam namin kay Maja sa The Buzz ay sinabi niya na wala siyang nararamdamang tampo man lang kay Tito Ross, sapat na raw na sa huling sandali ay nabigyan pa rin sila ng pagkakataong maipadama ang pagmamahal sa isa’t isa, sinsero si Maja Salvador nang bitiwan niya ang pahayag na yun.

Muli, ang pakikiramay namin sa mga naiwan ni Tito Ross Rival, Chichi sa kanyang mga kapatid, ipanalangin po natin ang katahimikan  ng kanyang kaluluwa.

Sa kabila ng kanyang pagluluksa dahil sa pagyao ng kanyang ama ay patuloy ang pagdating ng mga komento tungkol sa magaling na pagganap ni Maja sa One More Chance.

Sabi ng mga kaibigan namin, “Isa siyang Vilma Santos, magaling siya, ang ganda-ganda pa niya at magaling din siyang sumayaw.”

Show comments