Jaya pinagdudahan ang sarili

Hindi malaman ni Jaya kung kailan siya nagsi­mulang magduda kung marunong ba siya talagang kumanta.

“Dati kasi no one wanted to sign me up as a singer. Na-insecure ako, tinanong ko ang sarili ko kung may talent ba ako, marunong ba talaga akong kumanta?

“Walang humahawak sa akin nun, wala akong manager. May manager si Kyla, si Maristel San Pedro, pero ni-release siya, pupunta na ito ng US. Pinakiusapan ko siya, kung puwedeng tulungan niya ang career ko.

 “With GMA Records, naalis ang mga pagdududa ko. Sa dating record company ko, hindi ako na-handle properly. Ngayon, mayro’n nang naniniwala sa talento ko. Tuloy naniniwala na rin ako sa sarili ko.

“I believe dumating na ang time ko. Everything is falling into places. Pati title ng album ko parang sinadya, Cool Change, parang buhay ko, my cool marriage, my cool friends, the coolest change my becoming a mother at age 36,” Pag-amin ni Jaya.

 Clearly Cool Change is Jaya’s best album. Bagay lahat ng songs sa boses niya - Just Once, Through the Fire, Points of View, duet nila ni Regine Velasquez, On the Radio, Girlfriend, For the First Time, Why Can’t It Be?, Living Inside Myself, Cody’s Song, na nagtatampok sa gigil ng anak ni Jaya na si Sabria, at marami pa.

* * *

In a way, tama siguro yung pagsasawalang kibo ni Dennis Trillo sa isyu involving the mother of his child, Carlene Aguilar and his current girlfriend, Cristine Reyes na umabot pa sa pagdedemanda ng huli dahilan sa panunugod sa kanya ng una.

Lalabas nga namang hindi siya isang gentleman kapag may kinampihan siya sa kanila kaya tama lang na kahit anong pilit ng mga entertainment writers na bumisita sa set ng Zaido sa Marikina nung Miyerkules ng gabi ay hindi nila siya napilit na mag-comment.

Nagdahilan na lamang siya na magtatanong daw muna siya sa kanyang manager. Nag-aalala rin siya na baka maapektuhan ng isyu ang kanyang career, lalo na ang tumatakbong serye niya sa TV, ang Zaido, na paborito nang panoorin sa TV bagaman at hindi niya masolo ang credits dahil bukod kina Aljur Abrenica at Marky Cielo na gumaganap din bilang mga Zaido, ganito rin ang role ni Kris Bernal.

 As it is may problema na sila dahil di na sila pwedeng gumamit ng dobol o stuntmen. Sila na mismo ang kailangang mag-execute ng mga action scenes nila para realistic. Kaya masasakit ang mga katawan nang makaharap ang press dahil panay-panay ang training nila.

* * *

Kasali na rin si AiAi delas Alas sa Princess Sarah na napapanood na sa kasalukuyan sa ABS-CBN at nagtatampok kay Sharlene San Pedro sa title role.

Ginagampanan ni AiAi ang role ni Ramdas, ang taong naghahanap kay Princess Sarah para ibalik ito sa kanyang ama.

 “Naka-costume din ako rito kaya nga excited din ako. Yung role ko originally was portrayed by a man pero, pinalitan at ginawang babae rito sa bersyon sa TV,”  imporma ng komedyana.

Inaabangan dito ng marami si Sheryl Cruz na napaka-effective na contravida sa Bakekang. Gusto nilang makita kung malalampasan niya ang galing na ipinamalas niya sa serye ng Kapuso network.

Powerhouse cast ang Princess Sarah –Albert Martinez, Irish Fullerton, Matt Evans, Melissa Ricks,Candy Pangilinan, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bubbles Paraiso, Eunice Lagusad, Angel Sy, at Sophia Baars.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments