Pagiging selosa ni Carlene, effect ng post-delivery depression
Nakikiramay ako kay Rochelle Pangilinan ng Sexbomb at sa pamilya niya dahil sa pagpanaw ng kanyang ama kahapon nang umaga.
Hindi pa makausap si Rochelle dahil shocked ito sa nangyari. Hindi muna siya nagpainterbyu sa mga reporter na nagpunta kahapon sa morgue na pinagdalhan sa tatay niya.
Ang saya-saya pa naman ni Rochelle sa presscon ng Ulingling noong Biyernes. Walang-wala sa isip niya na may darating na trahedya sa buhay nila.
Hindi pa alam ni Joy Cancio (manager ng Sexbomb) ang mga detalye tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng tatay ni Rochelle at sa lugar na pagbuburulan nito.
Nangako si Joy na magbibigay siya ng update kapag naayos na ang mga dapat ayusin. Kasama ang PSN sa nakikiramay sa mga naulila ng tatay ni Rochelle.
* * *
Postpartum o post-delivery depression ang naiisip na dahilan ng mga baklita kaya hinarap ni Carlene Aguilar si Cristine Reyes.
Ang postpartum ay nararanasan ng mga babae na kasisilang lamang ng kanilang mga anak.
Isa si Brooke Shields sa mga kilalang Hollywood actress na nakaranas ng postpartum nang iluwal niya ang kanyang panganay na anak.
Naglabas pa nga si Brooke ng libro tungkol sa mga naging karanasan niya at nagkaroon pa sila noon ng word war ni Tom Cruise dahil nagkomento ito kahit hindi hinihingi ang kanyang opinyon.
Baka hindi alam ni Carlene na meron siyang postpartum blues kaya makabubuti na magpatingin siya sa doktor.
Ano ang postpartum depression? Heto ang resulta ng research ng PSN staff na malaki ang maitutulong sa mga bagong panganak na babae na walang alam tungkol sa postpartum depression:
In the beginning, postpartum depression can look like the normal baby blues.
However, if your symptoms persist and are causing serious disruptions in your life, postpartum depression is the likely culprit.
Postpartum depression usually sets in soon after childbirth and develops gradually over a period of several months.
But postpartum depression can also come on suddenly, and in some women, the first signs don’t appear until months after they’ve given birth.
Because of the possibility of delayed onset, if you have a depressive episode within six months of having a baby, postpartum depression should be considered.
* * *
Ang mga sumusunod ang mga sign o symptom ng postpartum depression. Kailangang suriin ni Carlene ang sarili kung nararamdaman niya ang mga sintomas pero kung hindi, malamang na matinding pagseselos kay Cristine ang umiiral sa kanyang puso:
The signs and symptoms of postpartum depression include:
• Lack of interest in your baby
• Negative feelings towards your baby
• Worrying about hurting your baby
• Lack of concern for yourself
• Loss of interest or pleasure in things you used to enjoy
• Lack of energy and motivation
• Feelings of worthlessness and guilt
• Changes in appetite or weight
• Sleeping more or less than usual
• Recurrent thoughts of death
• Suicidal thoughts
* * *
Nakakatawa naman ang mga tao na nagsasabi na walang breeding si Carlene, naturingan pa naman siya na beauty queen.
Hellooooooooo! Hindi porke beauty queen ang isang babae eh wala na siyang karapatan na magpakita ng galit.
Tao lamang sila na marunong masaktan, manugod at makipag-away! Hindi sila required na maging prim and proper sa lahat ng oras. Marami akong kakilala na beauty queen pero mas matindi pa ang inaasal kesa sa panggigiyera na ginawa ni Carlene. Hindi ko na sila papangalanan. Mauubos ang space. ’Yun lang!
- Latest