Nakisama ang panahon the other night sa concert ni Beyonce Knowles na ginanap sa Open Field ng The Fort. Mga 5:00 p.m. nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya maraming nag-worry na baka hindi matuloy ang one night concert ni Beyonce. Pero tumigil din naman bandang alas-6:00 kaya nagbunyi ang lahat.
At dahil siguro umulan, medyo delayed ang start ng concert. Nakalagay sa ticket na 7:00 p.m. pero almost 8:30 na nang magsimula.
Sobrang dami ng taong dumagsa sa The Fort para panoorin si Beyonce na bitbit ang kanyang buong production staff – 80 sila lahat. Ayon sa report, aabot daw sa 70,000 to 75,000 ang dumayo sa The Fort. kasama na ang napakaraming artista bukod pa sa mga binagggit ni ‘Nay Lolit Solis, nag-watch din sina Gretchen Barretto with sister Marjorie, Richard Gomez with Lucy kasama ang daugther nilang si Julianna, sina Kris Aquino and James Yap, Anne Curtis, Donita Rose at marami pang iba.
First song pa lang ni Beyonce ay hyper na ang audience, grabe na ang sigawan dahil maaga pa lang nga ay dagsa na ang mga bumili ng ticket kahit sobrang mahal.
Marami ring nanood na mga VIP at balitang kasama na ang Prince of Brunei na binili raw ang tickets sa buong front row.
Wild ang audience everytime na kakantahin ni Beyonce ang mga familiar songs niya like Suga Mama, Naughty Mama, Beautiful Liar, Déjà vu, Listen. May ilan naman siyang kanta na medley kaya hindi na rin namin nabilang kung nakailang kanta siya bago ang last song na Irreplaceable.
Talaga palang marami ang production staff niya dahil sa back up dancers and singers pa lang, ilan na yun. Nakailang gap din ang concert na ang back up dancers, singers and musicians ang nasa stage.
Pero sobrang ganda ng light effects sa screen na nasa stage. High tech. Kaya nga kahit hindi bumili ng ticket at nakinood na lang sa labas ng cordoned area, siguradong nag-enjoy din dahil ang laki ng screen sa stage na kitang-kita naman si Beyonce.
Given na ang galing ni Beyonce sa pagkanta, pero sobrang galing din niyang sumayaw. Yung signature moves niya na madalas gayahin ni Geneva Cruz, si Beyonce lang ang puwedeng gumawa.
Anyway, very thankful si Beyonce sa audience dahil nakita kung paanong mag-enjoy ang mga Pinoy.
Around 10 p.m. nang mag-last song si Beyonce.