Aktres naglalandi kahit sustentado ng senior actor

Nagkakilala ang seksing aktres at ang sikat na pabling na senior actor sa isang probinsiya na kanilang pinuntahan kung saan parehong guests ang dalawa sa isang okasyon sa nasabing lugar.

Kilalang palikero ang senior actor at ang alindog ng aktres ay di niya pinaka­walan. Niligawan niya ito at napasagot naman dahil galante ang aktor kaya puro mamahaling alahas ang nireregalo niya rito.

Nabuntis ang aktres at nabigyan ng magandang buhay hanggang magbunga ng sanggol. Tatlong taon na ngayon ang bata. Binigyan ng magandang buhay ang mag-ina at sustentado ito buwan-buwan ng senior actor. Paminsan-minsan lang kung dumalaw dun ang aktor pero lately madalang pa sa patak ng ulan dahil nagkakaedad na ang aktor.

Pero how true na makati pa sa gabi ang aktres dahil kung sinu-sino ring lalaki ang sinasamahan nito lalo na kapag natitipuhan niya? Ano kaya ang mangyayari kapag nakarating ito sa kaalaman ng senior actor na patuloy na nagsusustento sa kanilang mag-ina mabigyan lang ng magarang buhay?

* * *

Masaya ang takbo ng lovelife ni Angel Locsin sa piling ni Lucky Manzano. Naipakilala na ng aktor ang kanyang mahal kina Lipa Mayor Vilma Santos at OMB Chairman Edu Manzano. At boto naman ang pamilya ni Angel sa binata kahit balitang nagdi-deny si Luis sa relasyon nila ng aktres.

Bukod sa magandang lovelife ay ratsada ngayon si Angel sa mga TV guestings at nag-enjoy ito nang husto nang lumabas sa sitcom na That’s My Doc.

‘‘Sana makalabas din ako sa comedy film,’’ sabi ni Angel.

* * *

Gusto na pala ni Gladys Reyes na masundan ang kanilang baby na si Gian Kristoffe na magdadalawang taon na ngayong Enero. Umaasa ang aktres na sana’y maging babae ang susunod na anak nila ni Christopher Roxas at papangalanan nila itong Angelina Chloe.

Sa kabilang banda, tinuturuan din ng French language ng kanyang mother-in-law si Kristoffe -  mga simpleng salita gaya ng ‘merci’ (thank you).  

Puwedeng mag-artista ang bata dahil tawa nang tawa ang mag-asawa kapag ginagaya ang kilos ng ama at ang pagsimangot ng ina kapag nakikita sa TV bilang kontrabida.

Excited na si Gladys na magiging talk show host ng Moments na ipalalabas sa Net 25 starting November 10.

* * *

 Kuwento ni Katrina Halili ngayong pasama na nang pasama ang karakter niya sa Marimar ay nagsisimula nang magalit sa kanya ang mga manonood. Natutuwa naman siya dahil ibig sabihin realistiko niyang nagagampanan ang role bilang si Angelika.

Show comments