Alfred at Paolo naka-ready na ang mga bahay para kina LJ at Isabel

Inimbitahan ako ni Alfred Vargas na mag-dinner sa bahay niya noong Miyerkules ng gabi para sa kanyang post birthday celebration.

Intimate as in very  inti­mate ang dinner  dahil anim lamang kami na  naging bisita ni Alfred.

Alam n’yo ba kung ano ang ipina­kain sa akin ni Alfred? Ang napakasarap na pork barbecue na itinitinda niya sa kanyang Best Fred’s restaurant.

Marami akong nakain na barbecue dahil talagang napakasarap nito. Affordable pa ang presyo dahil P15 per stick.

Naloka nga ako nang sabihin sa akin ni Alfred ang araw-araw na kinikita ng kanyang negosyo.

Hindi ako magugulat kung madadagdagan ang branch ng Best Fred’s dahil malakas ito. Bukod sa pork barbecue, nagtitinda rin sila ng liempo at kung anik-anik na ihaw-ihaw.

* * *

Ang malaking image ng Our Lady of La Naval ang sumalubong sa akin nang pumunta ako sa bahay ni Alfred.

One week na naka­ha­bilin kay Alfred ang santo at naniniwala siya na nagbibigay ‘yon ng suwerte.

Sinabihan ni Alfred ang kanyang mga bisita na mag-wish sa Our Lady of La Naval dahil siguradong matutupad ‘yon.

Marian devotee si Alfred. Makikita ninyo sa bungad ng kanyang townhouse ang glass waterfalls na may image ni Virgin Mary.

Katapat na katapat din ng simbahan ang bahay ni Alfred  kaya palagi itong nakikinig ng misa.

* * *

Magaling hu­ma­wak ng pera si Alfred. Hindi siya bulagsak kaya na-invest niya ng ma­ayos ang kan­yang mga kinikita mula sa pag-aartista.

Tatlo ang negosyo na pinagkakaabalahan ni Alfred. Part owner siya ng Barrakz, Vente at Best Fred’s. Bumili rin siya ng stocks sa GMA 7.

Higit sa lahat, mababayaran na ni Alfred ang kanyang townhouse kaya nag-iisip siya ng panibagong investment.

Good example si Alfred sa ibang artista na limpak-limpak kung kumita ng datung pero hindi nakapag-ipon ng pera dahil maluho  sila.

* * *

On-going na rin ang construction ng bahay ni Paolo Contis sa isang exclusive village sa Quezon City.

Proud din ako dahil nadagdagan din ang invest­ment ni Paolo. Malaki ang lote na pinag­tatayuan ng kanyang 3-storey house. Ang  construction ng dream house niya ang pinagkakaabalahan ni Paolo kaya nagtitipid na siya.

Noon pa nagplano si  Paolo na magpagawa ng bahay pero ngayon lamang ito natuloy.

Masusuwerte ang mga babae na pakakasalan nina Alfred at Paolo dahil  mga responsible future husband ang aking mga alaga. Hindi na magiging problema ng kanilang mga pakakasalan ang bahay na titirhan dahil nakapagpundar na sina Alfred at Paolo. Asawa na lang ang kulang sa bahay na inuuwian nila. Sina LJ Reyes at Isabel Oli na kaya ang mga lucky girl?

Show comments