Nag-Enjoy Sa Lovescene

Hindi na-offend si Bea Alonzo sa inamin ni John Lloyd Cruz sa presscon ng One More Chance na ‘di siya na-in love sa kapareha, dahil pareho silang naniniwala sa destiny. May hirit ang actor na siguro’y hindi pa lang sila dinadapuan ng pagkakataon na sinang-ayunan ng writers ng movie dahil ang dalawa lang ang makakapag-sulat ng kanilang love story.

Naging comedian si John that night sa mga pinakawalang punchline. Gaya sa sinabing pinag­han­daan niya ang love scene nila ni Bea.

 “Sa sobrang real ng love scene namin, I came…to the set prepared (kasu­nod ang tawa). Nag-enjoy ako sa eksenang ‘yun, nag-workout ako for three years para maabot ang gusto kong katawan at para ma-enjoy din ni Bea,” pagbibiro ni John Lloyd.

 Nagtawanan ang press sa sagot ni Bea na “Na-enjoy ko naman po” nang tanungin kung totoong nag-enjoy siya sa love scene

Show comments