Sino ang unang kakalas?

Meron ba kayong naiisip na singing group na nagtagal bilang isang grupo? Meron siguro pero, mabibilang ko lang sila sa mga daliri ng aking dalawang kamay (APO, Tito, Vic & Joey, Tiongco Brothers). Marami sa kanila ang nagtagal ang pangalan pero, paiba-iba ang myembro. Marami pa nga ang hindi pa gaanong nagtatagal ay nabubuwag na.

Ito ang malabis na kinatatakutan ng mga tagasubaybay ng grupong Sugarpop, maituturing na pinakamagaling na children’s group sa kasa­lukuyan. Hindi lamang sila outstanding as a group, individually, maaring tumayo ang limang miyembro. In fact before they were Sugarpop, solo singing champions sila.

Dahil nakakakanta nga sila ng isa-isa kung kaya anytime ay puwedeng maisip ng kahit sino na kumalas na sa grupo para magsolo. Gaya ng mas mga naka­tatandang miyembro. Sayang, dahil napaghahalo na nila ang kanilang mga boses ng napakaganda. You should hear their version of I Believe I Can Fly, pinaka-maganda na siguro yung sa kanila. Salamat sa kanilang manager/composer/arranger na si Danny Tan na siya ring nasa likod ng kanilang mahusay na blending.

TV  host na ang Sugarpop. Sa Nov. 3, Sabado, 7-8:00 NG, magsisimula sa QTV 11 ang isang programang magpapaktia ng mga nakatutuwa at nakakamang­hang istorya ng mga hayop at kalikasan. Pinamagatang Planet Q, pagsasamahin sa show ang sikat na programa sa US na The Plane’ts Funniest Animals at mga locally produced segments sa pangu­nguna ng Sugarpop.

Magbibigay ang Planet Q ng helpful tips sa pangangalaga ng hayop. Papasyalan din ng programa ang Butterfly Pavillion, Orchidarium, Planetarium at iba pang lugar na may kinalaman sa mga hayop at kalikasan.

Sa initial episode ng programa, tampok ang Sugarpop at ang kanilang mga pets, ganundin sina Marimar (Marian Rivera) at Fulgoso.

Bawa’t palabas ay magpapakita sa Sugarpop sa isang special musical production number.

Magandang exposure para lalong sumikat ang Sugarpop. Maganda ring vehicle para mahasa hindi lamang ang kanilang singing kundi pati na ang kanilang hosting talent. Sana rin it will bond them more tightly para walang makaisip na kumalas dahil malayo pa ang kanilang mararating.

* * *

Si Gracia bumalik mula sa US pagkatapos ng limang taon? Bakit kaya? Sana ay nagbabakasyon lamang siya. Sana walang malaking problema na nagtulak sa kanya para bumalik ng bansa.

Si Jean Garcia, jury. Magawa kaya niyang maging parehas sa kanyang decision? Ganundin si Wendell Ramos na siyang sasalang sa lie detector test.

Sino naman kaya itong aktres na may anak na binabagabag ng mga kaluluwa?

Mapapatili kayo sa mga nakakakilabot na revelations ngayong hapon sa Showbiz Central, kaya tutok na!

* * *

Nagkakaroon daw ng insecurity sa pagitan nina Makisig Morales at Jairus Aquino dahil mas dumarami na raw ang project ng huli sa bida ng Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis.

Bakit 1.5?

Dahil ito raw yung episode sa pagitan ng episode 1 at episode 2 na mapapanood sa susunod na taon.

Sa bagong kabanata, ipagpapatuloy ni Super Inggo/Budong ang kanyang pakikipagsapalaran bilang ultimate Pinoy Kid superhero. Magapi kaya ng puwersa ng kanyang mabuting puso ang kanyang nakaraan? Maging sapat kaya ito para mailigtas niya ang kanyang pamilya, kaibigan mula kay Prince of Darkness at mga galamay nito?

Kasama pa rin ni Makisig sina Angelu de Leon, Nova Villa, Kathryn Bernardo, Meryll Soriano, Kaye Abad, Zanjoe Marudo at Jacob Dionisio pero may mga artista na gaganap ng bagong characters—Bobby Andrew (Binatang X), Rustom Padilla (Super Inday), John Prats (Protec-thor), Erich Gon­zales (Maeboo),  Jaymee Joaquin (Bianca Ban­kera), Dionne Monsator ng PBB (Salonna), at marami pang iba.

Palabas na ang Super Inggo sa Nov. 3 pero sa araw na ito bibisita ang cast sa mga malls kaya ihanda na ang inyong mga HallowInggo costumes.

* * *

Gumanda na ang role ni Kris Bernal sa seryeng Zaido. Ginawa na siyang ika-apat na Pulis Pangka­lawakan. Ka-liga na siya nina Gallian (Dennis Trillo), Alexis (Marky Cielo) at Cervano (Aljur Abrenica).

May lamang si Amy sa tatlong lalaking Zaido, hindi siya tinatablan ng gintong alikabok na sandata ng mga Amazona. Sa tulong niya ay matatalo ng tatlong Zaido ang mga Amasona at mapapaatras ang mga Kuua.

Abangan ang paglalaban ng mga Amasona na binubuo nina Arci Munoz (Amasonang Puti), Iwa Moto (Amasonang Itim), LJ Reyes (Lila), Vanessa del Moral (Amasonang Kahel) at Melissa Avelino (Amasonang Rosas) at Amy sa tulong ng tatlong Zaido, Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

* * *

Nag-volunteer si KC Concepcion para maging endorser ng Boto Mo, I-Patrol Mo ng ABS CBN News and Current Affairs para labanan ang pan­daraya sa Barangay elections  bukas. Ang campaign ay nagbibigay kapangyarihan sa mga tao para magsumbong at magsiwalat ng mga katiwalian sa halalan gamit lamang ang kanilang mga cellphones.

I-text lamang ang IREPORT<space> PANGALAN, TIRAHAN, DETALYE NG REKLAMO at ipadala sa 2366 para sa SMS at MMS messages.

Show comments