Musician pumayag na pag-eksperimentuhan ang sakit sa Amerika

Tiyak na mag-uuna­han ang ASAP at SOP sa pagkuha kay Anna Fegi  na kababalik lang ng ban­sa matapos mag-expire ang contract niya sa Hong­ Kong Disney­land bilang isa sa mga per­former sa Lion King.

Promise na mas lalong umangat ang  ka­li­ber niya bilang isang singer. At ang maganda pa ay pa­rang walang effort sa swa­be nitong paghagod ng mga kanta.

Katulad ng ibang Pinoy, hindi rin naging madali kay Anna ang  ma­nirahan at magtra­baho sa ibang bansa pero nagbu­nga naman ito ng magan­da dahil nag-mature siya as a person.

Bukod sa gabi-gabing performance niya bilang isa sa main character ng Lion King as Nala, isa sa high light ng kanyang career na ipinagma­malaki nito ay nang min­sang mapili siyang solo performer sa New Year countdown sa Hong Kong Disneyland.

Si Anna ang first Filipino na gumanap na Nala na usually ay sa mga African American ibini­bigay.

Halatang inspired ang singer sa kanyang ma­gan­dang aura ngayon. 

Kaya naman pinagka­guluhan ang picture nila ng kanyang bf na literal na kumakain ng apoy dahil member ito ng fire and knife dancer na kasama niya sa cast ng Lion King.

Naiinggit ang mga bading sa gwapo at bagets na bf  ni  Anna na isang Japanese Amer­i­can na naka-base sa Hawaii. Nasa US ito ngayon at ipinagpa­patuloy ang pag-aaral ng medicine - graduate ito ng physical therapy.

Twenty four years old ang bf ni Anna na si Micah Naruo at isang Christian.  Six years ang tanda ni Anna. Isang taon na mahigit  ang itinatakbo ng kanilang relasyon  at wala pa silang balak magpakasal.

Sa December ay da­dalawin uli siya ng kanyang bf sa Cebu na plano na niyang ipakilala sa kanyang pamilya.

Matapos ang mata­gal-tagal na pagkawala, unang makikita si Anna ng publiko sa kanyang concert na Perfect Pair kasama ang kanyang ama-amahang si Toti Fuentes na nakikipag­laban ngayon sa sakit na cancer.

At tinaningan na pala ng six weeks si Mr. Fuentes and that was five years ago pa. Lumipad siya sa US at naghanap ng second opinion.  Pumayag siyang gawing experiment ng US government ang sakit niyang Gastro Intestinal Strumal Tumor (G.IS.I) sa Chicago hospital.

Ngayon ay umiinom siya ng tableta kada-araw na ang halaga ng isa ay  P13,000 (Sutent). Pero mabibili  ang Sutent sa ‘Pinas sa halagang P6,000 ang isang piraso. Kaya kailangang bumalik din si Mr. Fuentes sa US dahil sa pinirmahan niyang waiver sa US na from time to time ay kailangan niyang sumailalim sa MIR at marami  pang series of tests.

“Minsan wala na akong hininga at naka-oxygen na lang ako.  Talagang tinanggal ko ito at sabi ko sa wife ko, please find gigs for me. Because I’d rather die performing than having oxygen on my nose. Music is my life kaya nandito pa ako.  Kung kailangan kong gumapang para lang makarating sa show namin ni Anna, I’l do it,” pangako ni Mr. Fuentes na balak bumalik next year para sa itatayo niyang foundation para sa mga kapus-palad na batang Pinoy.

Ang Perfect Pair series shows nila Anna at Mr. Fuentes ay gaganapin sa Oct.  27, Nov. 8, 10 at 15 sa  Merks Bar Bistro.                        (LANIE MATE)

Show comments