^

PSN Showbiz

“I miss you...” text ni Ara kay Manny huli ni Jinkee

-

Pumayat na nga si Claudine Barretto ng more than 50 pounds after giving birth and after mag-undergo ng SmartLipo at breast reduction procedures sa Belo Medical Group last October 8 sa pangunguna ni Dr. Vicki Belo. Nang magkita kami sa 1st birthday party ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Princess ay itinuro pa sa amin ni Claudine ang maliliit na marks sa kanyang magkabilang braso dahil sa SmartLipo.

Bago pa man nagpa-SmartLipo ang aktres ay nagsimula na itong mag-diet at mag-exercise in preparation for her TV and movie comeback. Ayon pa sa isang close friend ni Claudine ay niyayaya siya ng kanyang Ate Gretchen na mag-boxing para pumayat kaagad. Dapat daw talaga ay bibili na ng boxing gear si Claudine. Proof lang ito na okay na ang communication lines ng nagkatampuhang magkapatid.

* * *

Nu’ng nag-guest si Derek Ramsey sa That’s My Doc last October 10 ay bigla naming nakasalubong sa ELJ building sa ABS-CBN ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban na bumati naman sa amin. Papunta siya ng dressing room ni Derek habang nakasalang pa sa set ang seksing aktor.

Simple lang ang suot ni Angel pero maganda pa rin. Naiku­wento sa amin ng young actress na walang driver that day si Derek, kaya siya (Angelica) ang naging driver ng kanyang boyfriend, ayon sa kanya.

O, baka naman nagbibiro lang si Angelica sa sinabi niya sa amin.

* * *

Itinanggi na ni Manny Pacquiao ang tsismis na meron silang relasyon ni Ara Mina ayon na rin sa hiling ng aktres. Pero bakit kaya may nakapag­bulong sa amin no’n na diuma­no’y may text messages daw si Ara for Manny na nakita mismo ng misis ng boksingero sa cellphone nito? Meron pa nga raw “I miss you…” na text message. How true? (FRANCIS SIMEON)

ANGELICA PANGANIBAN

ARA MINA

ATE GRETCHEN

BELO MEDICAL GROUP

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DEREK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with