^

PSN Showbiz

Korina, hinamon si Pacquiao

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Nasa palabang es­ta­do pa rin si Korina San­chez, madaling intindihin yun dahil kung pinaking­gan lang ng mga eheku­tibo ng Dos ang gusto ni Manny Pacquiao ay matagal na siguro siyang walang trabaho, sa kan­yang programa kahapon sa DZMM kasama si Ted Failon ay nagbigay uli ng komento ang mata­pang na anchor­wo­man.

Ayon kay Ate Ko­ring, sa lahat ng sinabi ni Manny bilang de­pensa ay isa lang ang totoong-totoo, ang si­nabi ng bok­singero na hindi nito kayang mag­patanggal ng isang tao sa trabaho.

Ang sabi ni Korina ay mabuti naman daw at alam yun ni Manny, si­nabi rin ng anchorwo­man na kahit maging super-universal at inter-galactical champion pa ito sa larangan ng bok­sing ay hindi pa rin ito binibigyan ng ka­rapa­tang magpa­tang­gal sa trabaho sa kahit sino.

Madiin ding sinabi ni Korina na anumang bagay na sinasabi niya ay pinaninindigan niya, anuman ang mangyari ay wala siyang tatali­kuran, dahil meron siyang paninindigan.

Nilinaw rin nila ni Ted na kahit kailan ay hindi nila naging paksa sa kanilang pang-umagang programa sa DZMM ang pagiging sugarol ni Manny, kaya walang katotohanan ang isyu na sinabi nilang hindi dapat su­portahan ng ating mga kababayan si Pacman dahil sugarol ito, day dahil hindi nga nila nagi­ging paksa yun sa kani­lang programa.

Sa swabe, pero ma­diing pananalita, ay hina­mon ni Korina si Pacman na subukin uli nitong gawin ang pagpapatang­gal sa kanya. Masakit na masakit yun para sa news anchor, dahil ang kanyang katwiran ay hindi naman gawa-gawa lang ang inilabas niyang survey nung nakaraang eleksiyon na bagsak sa rating si Manny, kundi isang opisyal na resulta ng ginawang survey sa GenSan.

Maraming kababa­yan  din  natin  ang  na­ga­galit ngayon kay Manny dahil sa sinabi nito na kaya hindi umu­unlad ang buhay nating mga Pinoy ay dahil sa inggit.

Sana raw ay mag­da­han-dahan sa pag­sasa­lita si Manny dahil ang mga Pilipinong tinutukoy nitong na­bubuhay sa inggit ay ang mismong mga taong nanala­ngin para sa kanyang ta­gumpay mula pa noon.

Ganun ang dating ng sinabi ni Pacman, pero sa ngalan ng pagi­ ging parehas ay hindi naman nilahat ni Manny ang ating mga kababa­yan, ang sinabi ng bok­singero ay ka­ramihan lang at hindi lahat.

Pero ayaw tang­gapin ng mga kausap namin ang ganung paliwanag, masakit daw talagang mag­salita si Manny, kaya wala na silang paki­alam mula ngayon sa mga susunod pang laban ni Pacquiao.

   

DAHIL

KORINA

MANNY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with