Melanie, gustung-gusto nang maging director!

Tatlong araw pa la­mang na nakakauwi si Melanie Marquez mula sa pagbabakasyon ka­sama ang kanyang pa­milya sa rancho ng kanyang asawa pero, sabak na agad siya sa trabaho.

Una niyang ginawa ay gumupit ng ribbon to officially open Psalm­stre Health & Beauty Cen­ter (PHBC), ika­lawang branch ng isang spa ang beauty center na pag-aari ni Jaime Acosta, may-ari rin ng Psalm­stre, gumagawa ng mga produkto ng New Pla­centa, en­dorsed by Me­lanie, Olive C, endorsed by Lovi Poe at marami pang anti-ageing and  beauty products.

Kasamang nag-rib­bon cutting ni Melanie si 2006 Miss Earth Hil Hernandez from Chile, 2006 Ms. Earth-Fire Catherine Untalan at ang bet natin for this year’s Miss Earth 2007 international pageant, Jean Harn.

Ang PHBC ay may­ro’ng state of the art medical equipment at mga well-trained staff na pinamumunuan ng da­lawang in-house con­sultants, Maria Ellery Mende, isang US trained der­­­matologist at Diet­mar Rum­mel, Ger­man natural med­icine doc­tor. La­hat ng beauty pro­d­ucts na gaga­mitin sa center ay pro­dukto ng Psalm­stre (soap, moistu­rizing cream at toner.

Kahit pa­god pa at may jet lag, ma­sayang naki­halubilo si Me­lanie sa mga bisita. Sa isang pana­yam, si­nabi nito na “Gus­tung-gus­to ko nang maging di­rect­or, sa pelikula man o sa TV. Siguro kung hindi ako na­ging artista, naging director naman ako, tu­lad ng aking ama (Arte­mio Marquez). Gusto kong unang idi­rek ang aking anak, si Manue­lito,” ani Mela­nie.

* * *

Simula bukas isa na lamang akong ko­lum­nista ng Pilipino Star Ngayon. Walang lung­kot naman akong nada­rama dahil ang pagta­trabaho behind the desk lamang ang iiwan ko, hindi ang pagsusulat. Patuloy pa rin akong gagawa ng aking column na sana ay patuloy n’yong ka­lugdan dahil  hindi lamang ito mag­lalaman ng mga balitang show­biz kundi ng mga per­sonal account ng aking buhay.

 Mami-miss ko yung mga nakasama ko sa trabaho pero, makikita ko pa rin naman sila.

Can afford na akong hindi mag-work reg­ularly, tapos na ang aking mala­king obli­gasyon. Tapos na sa pag-aaral ang tatlo kong anak, ang dala­wang lalaki ay pa­milyado na at ang bunso, bago magtapos ang buwang ito ay isa nang doctor. Konting panahon na lamang at, medyo ma­laking halaga pa ay ma­giging isang obstetrician/gynecologist na siya.

Tuloy pa rin ang tra­baho at si­guro kahit ma­katapos siya, hindi ako titigil ng pagsusulat, passion ko ito na isa ring magandang pinagkaka­kitaan be­cause  whe­ther they need my help or not,   I will always have to help my children, grand­child­ren and other peo­ple. Kaya kailangan ko pa rin ng da­sal n’yo. But you will hear from me, promise yan.

* * *

E-mail:   veronicasamio@yahoo.com

Show comments