Melanie, gustung-gusto nang maging director!
Tatlong araw pa lamang na nakakauwi si Melanie Marquez mula sa pagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa rancho ng kanyang asawa pero, sabak na agad siya sa trabaho.
Una niyang ginawa ay gumupit ng ribbon to officially open Psalmstre Health & Beauty Center (PHBC), ikalawang branch ng isang spa ang beauty center na pag-aari ni Jaime Acosta, may-ari rin ng Psalmstre, gumagawa ng mga produkto ng New Placenta, endorsed by Melanie, Olive C, endorsed by Lovi Poe at marami pang anti-ageing and beauty products.
Kasamang nag-ribbon cutting ni Melanie si 2006 Miss Earth Hil Hernandez from
Ang PHBC ay mayro’ng state of the art medical equipment at mga well-trained staff na pinamumunuan ng dalawang in-house consultants, Maria Ellery Mende, isang
Kahit pagod pa at may jet lag, masayang nakihalubilo si Melanie sa mga bisita. Sa isang panayam, sinabi nito na “Gustung-gusto ko nang maging director, sa pelikula man o sa TV. Siguro kung hindi ako naging artista, naging director naman ako, tulad ng aking ama (Artemio Marquez). Gusto kong unang idirek ang aking anak, si Manuelito,” ani Melanie.
* * *
Simula bukas isa na lamang akong kolumnista ng Pilipino Star Ngayon. Walang lungkot naman akong nadarama dahil ang pagtatrabaho behind the desk lamang ang iiwan ko, hindi ang pagsusulat. Patuloy pa rin akong gagawa ng aking column na
Mami-miss ko yung mga nakasama ko sa trabaho pero, makikita ko pa rin naman sila.
Can afford na akong hindi mag-work regularly, tapos na ang aking malaking obligasyon. Tapos na sa pag-aaral ang tatlo kong anak, ang dalawang lalaki ay pamilyado na at ang bunso, bago magtapos ang buwang ito ay isa nang doctor. Konting panahon na lamang at, medyo malaking halaga pa ay magiging isang obstetrician/gynecologist na siya.
Tuloy pa rin ang trabaho at siguro kahit makatapos siya, hindi ako titigil ng pagsusulat, passion ko ito na isa ring magandang pinagkakakitaan because whether they need my help or not, I will always have to help my children, grandchildren and other people. Kaya kailangan ko pa rin ng dasal n’yo. But you will hear from me, promise yan.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest