Dina, lumalagare sa Kapuso at Kapamilya

Non-exclusive ang kontrata ni Dina Bon­nevie kaya kahit kata­tapos lang ng  Na­tu­tulog Ba Ang Diyos sa Dos ay magte-teyping ito ng bagong teleserye sa Sie­te na magsi­si­mula sa su­sunod na bu­wan. Balik-Kapuso ang ak­tres kung saan inamin nitong ayaw niyang maging kon­trabida.

Sa kabilang banda, kahit sampung taon ang tanda niya sa kanyang boyfriend ngayon ay compatible naman daw si­lang dalawa at kung talagang sila nga ang magkapalad ay payag na rin pakasal ang ak­tres sakaling ya­yain siya nito.

Valerie, Sunud-Sunod Ang Project

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Va­lerie Concepcion dahil bukod sa pagiging co-host ng Wowowee sa Dos ay balitang may ga­gawin itong gag show.

Bukod pa rito, may gagawin din siyang peli­kula under Star Cine­ma katambal si Vhong Na­varro.

Ngayon pa lang ay excited na ang magan­dang aktres na makapa­reha ang komedyante.

Anak Ni Gladys, Nag-Aaral Na

Masayang ibinalita ni Gladys Reyes na naka-isang taon na ang ka­nilang negosyong sabon na  KSA na nasa Metro­polis, Alabang kung saan ang nag-aasikaso ay ang asawang si Chris­topher Roxas.

Ang kanilang anak naman na si Kris­toffe na magdadalawang taon na sa January ay nag-aaral sa Learning Play School. Lumalaki itong bibo at kinatutu­waan ng kan­yang titser dun. Ma­talino kasi ang bata at ma­galing ding suma­yaw at kumanta ayon sa ina.

Sa kabilang banda, may gagawing talk show si Gladys sa NET 25. May nakalinya ring tele­serye sa Siete ang ak­tres kung saan kon­trabida na naman ang papel na gagampanan niya.

Review Ng Stardust

Nagustuhan tiyak ng mga bata  ang pelikulang Stardust na palabas pa ngayon dahil isa ito sa pinakama­gan­dang fairy tale movie. Outstanding si Michelle Pfeiffer sa pelikula bilang si Lamia kung saan isa siyang mang­kukulam na may dala­wang kapatid na mang­kukulam din.

Na­atasan siya na dukutin at patayin si Yvaine (Claire Danes) na isa siyang bulalakaw na nagkaka­tawang tao. Kung maku­kuha nila ang puso ni Yvaine, magba­balik ang ka­nilang kaba­taan at ka­gandahan.

Isa sa pinaka­ma­gandang bahagi ng pelikula ang pagtatapat ni Yvaine sa nilalaman ng puso matapos gawing daga si Tristan (Charlie Cox). Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ipinakita sa peliku­lang ito.

Isa sa nakatutuwang karakter dito ay Robert de Niro bilang flying pirate (Captain Shakes­peare) na kapag naka­harap sa mga alagad ay machung-macho pero kapag nag-iisa ay nag­me-make-up at nag­susuot babae. Ang Star­dust ay mula sa Solar-UIP.

PASASALAMAT: Sa advanced b-day gift nina Angel Locsin, Ela Colmenares, Becky Aguila at iba pa.

Show comments