Boy Abunda, nagboluntaryong mag-ninong sa 100 bata

Bolun­tar­yong nagsa­gawa ng proyek­tong LIBRENG BINYA­GANG BAYAN sa St. Clement Parish Church of Ango­no,Rizal sa da­rating na October 19,2007 ang da­ting con­gressman Mark Jime­nez,kung saan bukod sa mga ninong at ninang na kukunin ng mga magu­lang para sa kanilang anak e, nagprisenta pa ring magni-ni­nong din si Boy Abunda sa lahat ng mga batang bibin­ya­gan sa araw na yun na di kukulangin sa 100 bata.

Bilang ninong na rin, sinagutan na rin ni Jime­nez ang mga damit ng mga bibinyagan ma­ging ang handaan mata­pos ang binyagang ba­yan kung saan ang magar­bong ka­i­nan ay gagana­pin sa patio rin ng St. Cle­ment Parish.

Si Jimenez ay pinuri naman ng ilang mga ma­­­nanampalataya at ka-Parian sa Angono, Ri­zal dahil sa pagbibi­gay ha­la­ga nito sa bau­tis­mo. –CHARLIE V. LOZO

Show comments