Kris Aquino, mayro’n nang second album
Naging masaya ang buong Universal Tower nang dumating doon si Kris Aquino noong Huwebes ng hapon, para mag-recording sa Universal Records.
Lahat ng mga empleyado, pati mga executives, tuwang-tuwa dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na magpakuha ng litrato with Kris.
Nagsimula naman agad ang kanyang recording for the second album, “Kris Aquino, Love Inspiration”. Kapapasok pa lang niya sa recording studio sa 9th floor, pero nakita na naming lumalabas siya agad doon.
Super bilis siyang mag-recording ng mga narrative parts ng malapit nang ilabas na CD. Panonoorin pa sana namin siya habang nasa studio, tapos na pala agad.
Naalala ko tuloy noong una kong nakita ng personal si Kris. Noon ay 16 years old pa lamang siya nang makumbida kong maka-usap ang Dutch singer-composer na si Gerald Joling, habang nandito sa ating bansa.
Sa isang restaurant (ngayo’y wala na) sa Remedios circle kami nag-lunch with Kris. Malaki talaga ang paghanga ni Gerald kay Kris, kaya’t ayaw niyang umalis ng Pilipinas na hindi nakikita ng personal ang anak ng dating Pangulong Corazon Aquino.
Binigyan pa ng fresh tulips ni Gerald si Kris at ilang regalo, na ang iba’y pinadala pa sa Malacañang. Very friendly naman si Kris sa foreigner, although nabanggit niya noon na hindi siya magkaka-crush sa mga taga-ibang bansa.
Maraming pagkakataon pa na nakausap ko si Kris, lalo na noong ma dalas siyang magpasyal sa El Oro office ni Manay Ethel Ramos.
Nakumbida niya rin kami na makipag-dinner sa kanilang tinitirhang bahay sa Arlegui noong President pa ang kanyang ina. An informal dinner with the country’s President ay isa talagang malaking privilege.
Noong gawin ang Magic To Win sa Hongkong, nakapanood din ako ng shooting. Kasama sa biyaheng ‘yon ang mga kaibigang Ricky Lo, Ronald Constantino, Ethel Ramos, Mario Hernando at marami pang iba.
Doon sa new territories kinunan ang maraming eksena sa Hongkong movie na pinalabas sa buong Asia.
Simula noon nakagawa na si Kris Aquino ng marami pang pelikula na ang ilan ay nagbigay sa kanya ng awards at titulong Box Office Queen.
Ang pagpasok ni Kris sa recording ang kinagulat ng iba. Sabi nila wala nang hihilingin pa si Kris sa kanyang showbiz career. Nasa pinnacle of success siya sa telebisyon. Naging bida siya sa mga most memorable films to date, na naging monster hits pa.
Kaya naman marami ang nagtaka sa pagpasok niya sa recording. Nagulat din sila nang maging super successful ang “Song Of Love & Healing” album mula sa Universal Records. Ilang linggo lang nailabas, naging gold record na. Mabilis din dumating ang platinum certificate ng CD.
Ngayon, tapos na ang recording ng “Kris Aquino, Love and Inspiration” album. Nakita ko na ang magandang book-type package na talagang magugustuhan ng lahat. Lalo pa, kapag narinig ninyo ang magagandang 18 songs na kasama sa CD.
- Latest