Nasa bansang muli ang Japanese producer/actor/singer/composer/writer at kung anu-ano pa na si Jacky Woo, muli ay gagawa ito ng isang movie na hindi lang siya ang aktor kundi siya pa rin ang producer at director. Ito ang Manila, Westside Story sa ilalim ng kanyang kumpanyang Forward Group. Makakatambal niya si Jennylyn Mercado.
Nakatutuwa na nung presscon lamang ng kanyang pelikula niya nakilala si Jennylyn. Hindi niya alam na isang mahusay din itong singer kaya wala itong singing part sa pelikula na isang musical at tungkol din sa racial discrimination, parang American Westside Story.
When he was informed of Jennylyn’s musical talent ay saka lamang ito nagsabing babaguhin niya ang script to accommodate Jennylyn’s singing.
May kasamang Japanese dance group si Jacky Woo na hindi naman nakunan ng photo dahil bawal daw lapitan. Mananagot siya sa Japan entertainment kapag sumira siya sa kanilang kasunduan na pag-iingatan niya ang mga nasabing girls. – VRS