Dahil kay Juday napansin si Derek

Inamin ni Derek Ram­sey na kaya ini­lagay si Angelica Pa­nganiban sa Ysabella ay para magkaroon pa rin siya ng exposure since tumakbo sa is­torya na pan­samantala si­yang mawawala sa bu­hay ng bidang si Judy Ann Santos.

Ayon kay Derek, tang­gap niyang kon­trabida ang naging role ng real life girlfriend niya sa loveteam nila ni Bu­da­day pero sa istorya lang naman daw iyon at hindi sa tunay na buhay.

“Alam din namin ni An­gel (tawag niya kay An­gelica) na mara­ming fans at supporters ang galit sa kanya, ako I don’t mind kasi trabaho lang. Iba naman ‘yung sa personal na buhay,” esplika ni Derek na isa rin ngayong exclusive con­tract ng Star Ci­nema.

 At ngayong nagbalik na siya sa buhay ni Ysay (name ni Juday sa Ysa­bella) ay nawala na si­yempre si Angelica kaya nabuhayan muli ang fans sa tambalan ng da­lawa.

In fact may upco­ming movie sa Star Ci­nema sina Derek at Ju­dy Ann to be directed by Rory Quintos na ayon din sa aktor ay ka­bado siya at the same time ay excited siya for the chan­ce na muling ma­ka­­trabaho ang isang ma­laking artista.

“I give the credits to Judy Ann, if not for her, I won’t be here, I mean, hindi mapapansin na marunong pala akong umarte, kasi hosting at modelling ang alam ko, hindi ko alam na puwe­de rin pala akong mag-act, so it’s because of Ju­dy Ann talaga,” papuri ni Derek sa girlfriend ni Ryan Agoncillo.

Samantala, kaila­ngang tapusin na ni De­rek ang lahat ng com­mit­ments niya before mag-December 2007 dahil ka­ilangan niyang mag­pa-opera para sa bin­ti niyang nabasagan ng buto dahil sa frisbee at after the operation for two hours ay almost a month naman siyang to­tally bed rest para tu­mubo uli ang ligament sa naba­sag na buto.

“Dapat nga asap na itong operation ko, kasi kapag napapabilis ako ng lakad, tumatabingi ang foot ko, ako na lang nagbabalik sa puwesto.  Masakit, pero kailangan kong tiisin,” kuwento ni Derek.

* * *

Naging pahulaan sa entertainment press na dumalo sa launching ng 2nd season ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition kung sinu-sino ang 13 housemates na ma­kikita sa loob ng Bahay ni Kuya this Sun­day, October 14.

Supposedly ay hindi na mauulit ang PBBCE dahil sa ayaw  na raw  ng buong staff na mag­ka­­roon sila ng kasa­maan ng loob sa mga mana­gers and parents ng sinu­mang celebrity na ka­sama, pero kina­pos na raw sila ng pana­hon dahil masyadong huma­ba ang nakaraang PBB2.

Samantala, may say pa rin pala ang Dream Big Productions sa mga PDA winner at PBB2 housemates mas­ki na inendorso na ­sila sa Star Magic dahil ang say ni Derek Lauren Dyogi, “Kami pa rin ang in-charge sa bookings, sa Star Magic ang TV exposure and training.” — REGGEE BONOAN

Show comments