Dahil kay Juday napansin si Derek
Inamin ni Derek Ramsey na kaya inilagay si Angelica Panganiban sa Ysabella ay para magkaroon pa rin siya ng exposure since tumakbo sa istorya na pansamantala siyang mawawala sa buhay ng bidang si Judy Ann Santos.
Ayon kay Derek, tanggap niyang kontrabida ang naging role ng real life girlfriend niya sa loveteam nila ni Budaday pero sa istorya lang naman daw iyon at hindi sa tunay na buhay.
“Alam din namin ni Angel (tawag niya kay Angelica) na maraming fans at supporters ang galit sa kanya, ako I don’t mind kasi trabaho lang. Iba naman ‘yung sa personal na buhay,” esplika ni Derek na isa rin ngayong exclusive contract ng Star Cinema.
At ngayong nagbalik na siya sa buhay ni Ysay (name ni Juday sa Ysabella) ay nawala na siyempre si Angelica kaya nabuhayan muli ang fans sa tambalan ng dalawa.
In fact may upcoming movie sa Star Cinema sina Derek at Judy Ann to be directed by Rory Quintos na ayon din sa aktor ay kabado siya at the same time ay excited siya for the chance na muling makatrabaho ang isang malaking artista.
“I give the credits to Judy Ann, if not for her, I won’t be here, I mean, hindi mapapansin na marunong pala akong umarte, kasi hosting at modelling ang alam ko, hindi ko alam na puwede rin pala akong mag-act, so it’s because of Judy Ann talaga,” papuri ni Derek sa girlfriend ni Ryan Agoncillo.
Samantala, kailangang tapusin na ni Derek ang lahat ng commitments niya before mag-December 2007 dahil kailangan niyang magpa-opera para sa binti niyang nabasagan ng buto dahil sa frisbee at after the operation for two hours ay almost a month naman siyang totally bed rest para tumubo uli ang ligament sa nabasag na buto.
“Dapat nga asap na itong operation ko, kasi kapag napapabilis ako ng lakad, tumatabingi ang foot ko, ako na lang nagbabalik sa puwesto. Masakit, pero kailangan kong tiisin,” kuwento ni Derek.
* * *
Naging pahulaan sa entertainment press na dumalo sa launching ng 2nd season ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition kung sinu-sino ang 13 housemates na makikita sa loob ng Bahay ni Kuya this Sunday, October 14.
Supposedly ay hindi na mauulit ang PBBCE dahil sa ayaw na raw ng buong staff na magkaroon sila ng kasamaan ng loob sa mga managers and parents ng sinumang celebrity na kasama, pero kinapos na raw sila ng panahon dahil masyadong humaba ang nakaraang PBB2.
Samantala, may say pa rin pala ang Dream Big Productions sa mga PDA winner at PBB2 housemates maski na inendorso na sila sa Star Magic dahil ang say ni Derek Lauren Dyogi, “Kami pa rin ang in-charge sa bookings, sa Star Magic ang TV exposure and training.” — REGGEE BONOAN
- Latest