Rochelle, hiniya ng kasamahang Sexbomb sa harap ng press!

Nagulantang ang mga press people na pinaimbitahan ni Rochelle Pangilinan para sa isang presscon, para ipakilala ang kanyang alaga, nang biglang agawin ni Sunshine Garcia ang mikropono sa isang press na nagtatanong at pumupuri sa pinakilalang singer.

Maging ang mga ibang reporters na dumalo ay nagulat sa hindi magandang asal ni Sunshine na nagsabing magsama-sama na ang mga baduy sa pagtitipong iyon bago ito tuluyang nag-walkout. Hiyang-hiya si Rochelle sa ginawa ng kasamahan.

Teka, huwag ninyong seryosohin ang ek­sena! Sa taping lang po ito ng Tabachingching naganap!

Extended ng three weeks ang serye, dahil sa kahilingan ng mga tagahanga. Muling nagpadagdag ng mga eksena ang producer ng Focus E. Inc. na si Joy Cancio para big­yan kasiyahan ang televiewers.

Hindi man sila umamin, halatang halata namang nagkabalikan na sina Rochelle at Kier Legaspi dahil halos ayaw nilang mag­hiwalay.  VIR GONZALES

Show comments