Ara Mina, pikon na kay Jinky Pacquiao!

Patungong Mara­ gon­don, Cavite ang mommy Mai Hermosa ni Kris­tine nang ma­kausap namin sa cell­phone ka­hapon, Lunes para per­sonal na ka­usapin ang magulang ng 15-year old kid na nasagasaan ng driver ha­bang pabalik ng Maynila galing sa taping ng Prin­sesa Ng Banyera.

“Ngarag ako Gee, hindi ko pa alam kung ano ang detalye, hi­naha­nap pa namin ang lugar nung pamilya, hindi na­man namin ta­laga paba­bayaan ‘yun, siyempre.

“Naawa nga ako kasi batang-bata pa, e, sino bang may gustong mang­yari ‘yun?” saad pa ng mommy ni Kristine na halatang apektado sa nangyari.

Ayon naman sa head publicist ng Star Magic na si Rikka Dylim ay, “As of this very moment ay nasa Cavite na sina tita Mai (mommy ng aktres) at lawyer to settle everything kaya’t unfair ‘yung sinasabing hindi nakikipag-coordinate sina Kristine, hindi pupu­wedeng mangyari ‘yun.

“Hindi nga nila paba­bayaan at saka hindi naman si Kristine ang naka­sagasa kundi ang driver kaya’t unfair ‘yung mga balitang tinakbu­han. Sana maging fair naman ang balita kasi hindi naman pinabayaan talaga.”

Mabilis kasing kuma­lat ang balitang pinaba­yaan ng aktres ang na­matay na bagets at wala man lang daw nag-aasi­kaso.

As of now ay nasa taping si Kristine kaya’t hindi pa rin siya maha­gilap.

Samantala, ang 15 year old kid na namatay ay walang lisensiya at hindi rin daw naka-rehis­tro ang motor na sina­sakyan nito.

Base naman sa na­kausap din naming taga-Dos ay guest daw sana si Kristine sa ASAP ‘07 last Sunday para sa promo ng Prinsesa Ng Ban­yera pero hindi nga ito nakarating dahil sa nangyaring aksidente.

* * *

Tiyak na hindi palalagpasin ni Ara Mina ang sinabi raw ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinky na magpapakamatay siya once na na­patunayan niyang may relasyon ang asawa niya at ang sexy actress na kasama pa sa pelikulang prodyus ng kapapanalong boksingero.

Bagama’t itinanggi na ni Ara ang nasabing isyu, pero hindi pa rin tumitigil daw ang kampo ni Jinky ng pasaring sa aktres.

Kaya’t sa show ng Raging Divas mamayang 11NG sa The Library kung saan special guest si Ara ay nakikinita na naming kukuyugin na naman siya ng enter­tainment press dahil dito lalo’t kapa­panalo na naman ni Manny kay Antonio Marco Barrera by a unanimous decision.

Ang nasabing Raging Divas show ay supported by Reyes Haircutters, Calayan Medicentre, Trav’lers Joint, Boy Abunda, Boy Asis­tio at Nadia Montenegro.

* * *

Maraming mga ba­ tang nagmarakulyo sa ginanap na Lastikma­nania in Trinoma last Saturday dahil hindi naman pala for sale ang freebies na naka-dis­play sa activity center.

Maski na anong pa­kiusap ng mga ma­gulang ng mga bagets ay hindi pa rin sila pinagbigyan ng mga staff ng Dos dahil sa SM stores daw avail­able ang mga nasabing produkto.

Mabuti na lang at naroon si Lastikman himself Vhong Na­varro para sa picture taking kaya’t naibsan ang mga bagets na tinotopak at naroon din ang ilang cast na nakipagtsikahan din at nakiisa sa mall show. — REGGEE BONOAN

Show comments