Pops, bakit ba  hindi mapatawad si Martin?

Nung manalo sa isang game show ang isang batang aktres ay nag­tang­ka ang kanyang ama na humingi ng tulong na pampinansyal sa kanya. Pero hindi na­tuloy ang paglapit ng ama ng ak­tres, naamu­yan kasi yun ng kan­yang amain, sina­bihan nito ang kanyang ama na huwag nang ituloy pa ang pinaplano nito.

Ang sinabi ng kapa­tid ng ama ng aktres, “Ano ka ba naman, bakit hihi­ngan mo pa ang bata, eh, ni hindi mo nga siya nabigyan ng aten­syon nung panahong kaila­ngang-kailangan ka niya?

“Hindi ka nga naging responsableng ama sa kanya, pero ngayong ku­mikita na ang bata nang pabarya-barya lang na­man, iistorbohin mo pa siya!” sabi ng amain ng batang aktres.

Walang galit o kahit sama ng loob lang ang batang aktres sa kan­yang ama, tanggap niya ang katotohanan na kung wala ang kanyang mga magulang ay isang si­ngaw  lang siya nga­yon, pero siyempre’y nanga­rap din ang ba­tang aktres ng isang pamilyang buo habang lumalaki siya.

Lagi niyang tinata­nong ang kanyang sarili, “Ano kaya ang pakiram­dam kapag nandiyan ang tatay at nanay mo, gaano kaya kaligaya ang isang anak kapag kumpleto ang pamilyang inuuwian niya mula sa iskuwela?”

Ang lahat-lahat ng ginagawang pagsisikap ngayon ng batang ak­tres ay para sa kanyang pamilya, ang mga pag­ku­kulang ng kanyang ama ay siya na ang nagpupuno, sa kabila ng pagpapabaya nito sa kanya nung  bata pa siya ay ginintuan pa rin ang puso ng magan­dang young actress dahil kapag meron si­yang sobra ay nagpapa­dala pa rin siya ng tulong sa kanyang ama.

Dapat lang maging mabait ang kapalaran sa batang aktres na ito, dahil hindi lang siya magaling umarte at sumayaw, kundi napa­kabusilak pa ng kan­yang puso sa mura niyang edad.

* * *

Dehadista si Pops Fernandez ngayon pag­katapos mapanood ng sambayanan ang inter­byu ni Martin Nie­vera mula sa San Die­go, California na ipina­labas sa The Buzz nung Linggo nang hapon sa pamamagitan ni Jing Reyes.

Masakit na masakit ang loob ng Concert King sa mga sinabi ni Pops sa inter­view nito sa Yes! Mag­azine, sabi ni Martin sa kanyang pa­nayam, “It’s the first time in my life I’ve ever felt naked, on stage, on TV, infront of the camera. I’m going to go out tonight in San Diego, I don’t know how to ap­pear, I feel ugly like how I felt nine years ago.

“It’s like I’m a winner in disguise, but inside, I’m a loser. That’s how this article made me feel,” sabi ni Martin.

Mara­ming nag­ta­ta­nong, si­yam na taon na ang na­ka­ka­raan mu­la nang mag­hi­wa­lay ang mag-asa­wa, pero bakit daw ba hang­gang ngayon ay ayaw pa ring tantanan ni Pops sina Martin at Katrina Oje­da?

“Napakatigas naman ng puso niya, ilampung beses na naming narinig na nag-sorry sa kanya si Martin dahil sa nangyari sa kanila, tinanggap na nung tao ang pagkaka­mali niya, pero bakit ba ang tigas-tigas ng puso ni Pops?

“Sana, perfect siya, sana, si Martin lang talaga ang may kasala­nan ng lahat-lahat, kaya sila nagkahi­wa­lay. Na­ka­kailang kare­lasyon na ba si Pops mula nung maghiwalay sila ni Mar­tin hanggang nga­yon?

“Pero pinakikiala­man ba siya ni Martin, nanghihimasok ba yung tao sa personal niyang buhay? Sige, niloko na siya nina Martin at Katri­na pero naman!

“Nine years ago na yun, ang dami-dami nang nangyari sa buhay nila, pero bakit hang­gang ngayon, e inu­ungkat pa rin ni Pops ang mga kasalanang nagawa sa kanya ni Martin?

“Para siyang si Snooky, after twenty years, e, saka sumigaw na ni-rape daw siya nung fourteen years old pa lang daw siya! Mag­sama silang dalawa!” inis na pahayag ng mga nakausap namin pag­katapos ng The Buzz.

Sana nga ay matag­puan ni Pops ang kata­himikan ng kalooban, sana rin ay matagpuan na ng singer ang ta­mang paraan para ma­limot na nito ang nang­yari sa kanila ni Martin, napakaigsi ng buhay para ilaan pa nito sa mga negatibong pang­ya­yari ang kanyang isip.

Show comments