Kapatid na babae naman ni PBB Jun Hirano ang susubok sa local showbiz

Nakausap ko ang mag-inang Eri at Delia Hirano, bago sila bu­malik sa Japan noong Biyernes. Si Eri ay ka­patid ng dating Pinoy Big Brother house­mate na si Jun Hirano, isang Filipino-Japanese na lumabas sa bahay ni Kuya para matapos niya ang high school sa Kyoto, Japan.

Ilang beses kong nakausap si Jun noong nandito pa siya sa bansa. Nasabi niyang talagang gusto niyang makatapos ng pag-aaral kaya kaila­ngang bumalik siya sa Japan.

Naibalita naman ng kanyang inang si De­lia, na isang Pinay pero mestisahin ang ganda, na naka-grad­uate nga ng high school si Jun.

“Maswerte ako sa mga anak dahil maba­bait silang lahat at masisipag,” pagmama­laki ni Delia. “Pagka-graduate ni Jun ng high school, agad nga siyang pumasok sa isang restaurant upang magtrabaho.”

Nabanggit din ni Jun sa akin noon na magtatrabaho siya sa isang restaurant. Pa­ngarap niya ang ma­ging Japanese chef.

Sa salaysay ni De­lia, unang na-assign si Jun sa kusina, bilang assistant cook. Nakita ng may-ari na ma­husay ang PR ng teenager, kaya’t ini­labas muna siya upang ma­ging isa sa mga wait­ers.

Bu­malik ng Pilipinas si Delia, kasama ang anak na babaeng si Eri, na ang ambisyon ay maging isang sikat na singer sa bayan ng kanyang ina.

Sa Japan nagtapos ng junior high school si Eri at sa Saipan naman siya nag-aral ng senior high.

Nag-aral si Eri ng voice lesson sa Anne Kyoto Music School ng dala­wang taon, kung saan nag­ka­roon siya ng rigid training sa pagkanta at voice development.

Kapag hindi siya gaanong abala, nag­­tatang­ka si Eri na mag­­sulat ng sarili ni­yang kanta. Ang tema ng kan­yang mga kompo­sisyon, ang mga bu­hay-buhay ng mga kapwa niya teenagers.

Habang nasa May­nila, nagkaroon ng oras na mag-record ng mga demo-disc si Eri. Narinig ko ang rendition niya ng “Through The Fire,” “If I Ain’t Got You” at “Hero”.

Ang timbre ng bo­ses ni Eri, tunay na mataginting. Ang ma­ganda sa pag-awit niya, meron siyang sa­riling istilo. Mataas naman ang kanyang vocal range na pwe­deng bagayan kahit anong kanta, pop, jazz, rock o ballad.

Aminado na­man si Eri na marami pa si­yang dapat ma­tutu­nan bi­lang isang entertainer. Sa ka­nilang pa­milya, siya tala­ga ang mahilig sa show­biz. Ang kanyang ka­patid na si Jun, napi­litan lang na pumasok sa PBB, kaya umalis naman agad.

Todo suporta na­man ang buong pa­milya ni Eri sa kanyang hilig at ambisyon. Na­kahanda siyang mani­rahan sa Maynila kung sakaling magkakaro’n siya ng break sa ating bansa.

* * *

Marami ng nasa­sabik na mapanood muli ang Parokya ni  Edgar. Nasa USA pa kasi sila para sa coast-to-coast concert tour.

Pagdating ng ban­da, tatapusin na nila ang “Solid” album na may nakahanda ng carrier single, “Macho Ka”.

Tiyak na isa na namang multi-platinum album ito mula sa Parokya. 

Show comments