Alessandra, palagi na lang pinapangakuan ng GMA ng show

Umalis noong Friday sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa second leg ng Love Speak US Tour. Ta­mang-tama sa Gold Coast Hotel & Casino sa Las Vegas ang first schedule nila ay October 7, kaya nakapanood sila ng laban nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera kagabi (this Sunday mapapa­nood dito).

Aliw ito dahil itatapat ng ABS-CBN sa Will to Win ang pelikula nina Judy Ann at Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo, kaya habang nanonood sila ng boxing, mapapa­nood naman sila sa Ch. 2.

Sabay sa Love Speak tour ang US pre­miere ng Ouija sa Loews Theater, Journal Square, Jersey City at guests sina Carol Banawa at Edgar Allan Guzman ng Studs. Kasunod nito, bibiyahe sina Judy Ann at Ryan sa Barcelona, Spain para sa 10-day shooting ng Sakal, Sakali, Saklolo, kaya lang ayaw lumipad ni Alfie Lorenzo ng Nov­ember 1, paano kaya ito?

Walang dapat ikaba­hala ang fans ng dalawa dahil kahit wala sila, patuloy nilang mapapa­nood ang Ysabella. Na­kakatuwa si Ryan dahil hindi nai-insecure na tanggap ng viewers ang tambalan nina Judy Ann at Derek Ramsey.

* * *

Walang maikwen­ tong lovelife si Alessan­dra de Rossi sa press­con ng Hide & Seek dahil matagal na raw siyang walang boyfriend. “Zero balance” nga ang sagot nito nang usisain ng press sa personal niyang buhay, pero peace of mind daw ang kapalit ng walang nobyo.

“Mas happy akong walang boyfriend. No stress, wala akong naka­kaaway, walang naba­balitaan kung anu-ano at walang nagdi-deny. Pa­bayaan n’yo akong lu­migaya,” wika nito.

Aliw din ang des­cription nito sa role niya sa Hide & Seek ng Regal na show­ing sa October 31.

“Relax ako sa role ko, naka-tulala lang ako at minsan, magda-dialogue ng “oooh”. Mahirap lang dahil may prosthetics ako. Obvious bang multo ako rito?” wika nito.

Kasama si Alex sa Pasan Ko Ang Daigdig at natutuwang mataas ang rating ng soap na bida sina Yasmien Kur­di at JC de Vera. Hindi nito alam kung kailan siya magkakaroon ng primetime show dahil lagi siyang pinapanga­kuan, pero walang na­tu­tu­pad. Paging GMA-7!

* * *

Ang Boys Nxt Door lang ang regular show ni Stef Prescott sa GMA-7 at every Sunday lang, pero walang reklamo ang dalaga kahit nabo-bore dahil walang mas­yadong ginagawa. Ma­buti na lang at nabibig­yan siya ng trabaho ng GMA Artist Center.

Busy si Stef sa pa­ngangampanya para iboto siyang Miss Inter­net World Philippines contest. Kapag nanalo, magdya-judge siya sa Miss Bikini World sa China. Madali siyang napapayag na sumali dahil hindi niya kaila­ngang rumampang naka-swimsuit at sa internet boboto.

Isa rin si Stef sa cast ng BND na natutuwa sa gumagandang rating ng show at wish nitong mag­ karoon ng third season. This Sunday, si Sari (Glai­za de Castro) na­man ang mai-insecure sa kanya dahil sila ni Buboy (Marky Cielo) ang na­nalo sa October’s Search for the Sexiest Couple dahil nagkasakit si Sari.

Bina-blackmail na­man ni Badong (Benjie Paras) sina Coffee (Kris Bernal) at Migs (Aljur Abrenica) dahil nabisto niyang may secret rela­tionship. Tuloy naman ang plano nina Milo (Jesi Corcuera) at Peter (Paulo Avelino) na si­rain ang relasyon nina Wino­na (Rich Asun­cion) at Decdec (Kiko Junio).

Show comments