Alessandra, palagi na lang pinapangakuan ng GMA ng show
Umalis noong Friday sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa second leg ng Love Speak US Tour. Tamang-tama sa Gold Coast Hotel & Casino sa Las Vegas ang first schedule nila ay October 7, kaya nakapanood sila ng laban nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera kagabi (this Sunday mapapanood dito).
Aliw ito dahil itatapat ng ABS-CBN sa Will to Win ang pelikula nina Judy Ann at Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo, kaya habang nanonood sila ng boxing, mapapanood naman sila sa Ch. 2.
Sabay sa Love Speak tour ang US premiere ng Ouija sa Loews Theater,
Walang dapat ikabahala ang fans ng dalawa dahil kahit wala sila, patuloy nilang mapapanood ang Ysabella. Nakakatuwa si Ryan dahil hindi nai-insecure na tanggap ng viewers ang tambalan nina Judy Ann at Derek Ramsey.
* * *
Walang maikwen tong lovelife si Alessandra de Rossi sa presscon ng Hide & Seek dahil matagal na raw siyang walang boyfriend. “Zero balance” nga ang sagot nito nang usisain ng press sa personal niyang buhay, pero peace of mind daw ang kapalit ng walang nobyo.
“Mas happy akong walang boyfriend. No stress, wala akong nakakaaway, walang nababalitaan kung anu-ano at walang nagdi-deny. Pabayaan n’yo akong lumigaya,” wika nito.
Aliw din ang description nito sa role niya sa Hide & Seek ng Regal na showing sa October 31.
“Relax ako sa role ko, naka-tulala lang ako at minsan, magda-dialogue ng “oooh”. Mahirap lang dahil may prosthetics ako. Obvious bang multo ako rito?” wika nito.
Kasama si Alex sa Pasan Ko Ang Daigdig at natutuwang mataas ang rating ng soap na bida sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Hindi nito alam kung kailan siya magkakaroon ng primetime show dahil lagi siyang pinapangakuan, pero walang natutupad. Paging GMA-7!
* * *
Ang Boys Nxt Door lang ang regular show ni Stef Prescott sa GMA-7 at every Sunday lang, pero walang reklamo ang dalaga kahit nabo-bore dahil walang masyadong ginagawa. Mabuti na lang at nabibigyan siya ng trabaho ng GMA Artist Center.
Busy si Stef sa pangangampanya para iboto siyang Miss Internet World Philippines contest. Kapag nanalo, magdya-judge siya sa Miss Bikini World sa China. Madali siyang napapayag na sumali dahil hindi niya kailangang rumampang naka-swimsuit at sa internet boboto.
Isa rin si Stef sa cast ng BND na natutuwa sa gumagandang rating ng show at wish nitong mag karoon ng third season. This Sunday, si Sari (Glaiza de Castro) naman ang mai-insecure sa kanya dahil sila ni Buboy (Marky Cielo) ang nanalo sa October’s Search for the Sexiest Couple dahil nagkasakit si Sari.
Bina-blackmail naman ni Badong (Benjie Paras) sina Coffee (Kris Bernal) at Migs (Aljur Abrenica) dahil nabisto niyang may secret relationship. Tuloy naman ang plano nina Milo (Jesi Corcuera) at Peter (Paulo Avelino) na sirain ang relasyon nina Winona (Rich Asuncion) at Decdec (Kiko Junio).
- Latest