Natatawa na lamang si Angel Aquino kapag naalala niya ang araw na nagprisinta siyang lumabas sa digi film na Kadin (kambing sa Batanes). Dadalawa lang kasi ang speaking lines niya sa nasabing movie tungkol sa pagkawala ng alagang kambing ng isang bata.
“Gustung-gusto ko kasing makapunta ng Batanes. Gandang-ganda ako sa lugar na ito. Kaya nang malaman ko na dito ang location ng Kadin ay talagang nagprisinta ako sa director (Adolf Alix, Jr.), sabi ko kahit na mag-assistant director ako sa kanya. Pumayag naman siya. Kaya kahit dadalawa ang linya ko, okay na. Dalawang oras akong naglakad-lakad sa Batanes,” kwento ni Angel sa press launch ng Camera Café, isang naiibang comedy show ng QTV 11 na magsisimulang mapanood sa Oktubre 11, 10NU. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 8NG, at may replay sa 10NU at 1:45 NH sa susunod na araw.
Isang naiibang palabas ang Camera Café. Una, dahil limang minuto lamang ito. Isang camera ang nakatayo sa isang coffee vendo machine at magsisilbing witness sa lahat ng pangyayari, sa isang opisina. Ang mga empleyado at boss na may iba’t ibang personalidad ay gagampanan nina Bearwin Meily, Jojo Alejar, Jaime Fabregas, Christian Vasquez, Joy Viado, LJ Reyes, Patricia Ysmael, Gerry Montes, Sherilyn Reyes, Noel Colet at Tado. Kasama rin sina Angel at Assunta de Rossi. Direksyon ni Mark Meily.
* * *
Simula na bukas ang pinakabagong game show ng GMA7, ang Whammy!Push Your Luck! na mula sa Fremantle Media na siya ring naghahatid ng mga palabas na American Idol at The Apprentice at ng mga game shows na The Price is Right at Family Feud.
Kung like n’yong mag-join, i-text ang PLAY<name/age/gender/address> sa 4627 para sa Globe, TM at Sun, at 367 para sa Smart at Talk and Text subscribers.
Para ma-gets ang laro, siguro kailangan n’yong panoorin ang show na pagtutulungang i-host nina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto. Bukas na, bago ang 24 Oras, sa GMA7.
* * *
Di lang ang labanang Pacquiao/Barrera ang dapat abangan ngayong hapon sa Showbiz Central.
Una: Ang katotoha nan sa pagbubuntis ng isang TV host comedienne.
Ikalawa: Kyla, napikon sa isyung sinulot niya kay Ara Mina ang pagkanta ng “Lupang Hinirang”.
Ikatlo: Kontrobersyal na young actor, sinusundan ng masamang karanasan.
Marami pa at para malaman, tutok na kina Pia, Sweet, Raymond, ngayong hapon.
* * *
Tinatawagan ang mga naging bahagi ng Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa sa pangunguna ni Direk Celso Ad Castillo sa kanilang reunion sa Oct 24. Ang mga naging artists at production staff nito ay maaring tumawag sa 819 12 17 at 813 1951 o sa Flight Slap Travel Agency sa no. 8131951 at hanapin si Ms. Natalie.