Gaano katotoo na hindi pala talaga friends ang dalawang komedyanteng host na sina Ariel at Maverick na nakilala sa ABC 5 at ngayo’y nasa GMA 7 na rin para sa game show nilang SOS (Save o Send) na makakatapat sa Pilipinas, Game G K N B? ni Edu Manzano.
Tsika sa amin ng staff ng Siete na hindi nagpapansinan ang dalawa kapag off camera as in dedmahan daw at kapag humarap na sa TV camera ay akala mo super friends sila.
“Nung nag-guest sila sa isang taping ng show namin, sabay silang tinawag sa stage, magkahiwalay silang umakyat at hindi nagpapansinan, pero nu’ng sinabing take na, biglang nag-change ang mood nila, nagpansinan na, di ba nakakaloka?
Nakakagulat naman sina Ariel at Maverick dahil paano nila napapalabas na maganda ang chemistry nila kung hindi pala talaga sila okey? Ang hirap kayang mag-pretend?
* * *
Naawa ang mga staff ng Super Inggo 1.5 (prequel) kay Makisig Morales dahil lagare ang bagets sa advance taping ng nasabing fantaserye dahil nga paalis na siya sa katapusang ng Oktubre para sa shooting naman ng pelikulang London: Caregiver kasama sina Sharon Cuneta at John Estrada under Star Cinema.
Ayon sa nakatsika naming staff ng Super Inggo 1.5 ay, “Ngarag ang bagets, kapag hindi siya kinukunan, pinatutulog muna namin siya at gigisingin na lang kapag kukunan na, wala, e, lupaypay na.”
Bukod kasi sa nasabing programa ay magtatapos na ang Pedro Penduko at Ang Mga Engkantao nila ni Matt Evans ngayon ding Oktubre.
“Tapos may press launch pa siya bago siya lumipad for London, kaya kakaawa, e, wala namang magawa ‘yung bata,” dagdag tsika pa sa amin.
Anyway, gaano katotoo na nag-threaten daw magre-resign sa Super Inggo 1.5 bilang lola ni Makisig/Inggo si Ms. Nova Villa dahil nagagalit daw ang mga apo niya sa kanya dahil masama raw pala siyang lola sa nasabing fantaserye?
“Pinababago ni Ms. Nova ang script, huwag naman daw siyang pasamain sa mata ng mga bata kasi apektado ang mga apo niya, e, kapag hindi raw naayos, hindi niya gagawin ang Super Inggo 1.5,” kuwento sa amin.
* * *
Ngayong gabi sa Nagmamahal Kapamilya mapapanood ang awarding ng bahay kay G. Arnold Charifa ng Governor Forbes, Sampaloc Manila na ipagkakaloob sa kanya ng Globe Asiatique.
Matatandaang nagkaroon ng text votes ang tatlong pamilyang finalist para sa libreng bahay na ipagkakaloob ng programa ni Bernadette Sembrano at nagtapos ito last October 1 at nakakuha ng 74% si Arnold na siyang may pinakamataas na boto.
Samantala, mapapanood din ang Nagmamahal Kapamilya bilang isang segment sa Umagang Kay Ganda kung saan isa rin si Bernadette sa host.– REGGEE BONOAN