Manager, di kinukunsinti ang kabastusan ng alaga!
Tinawagan kami ng kaibigang Girlie Rodis nang mabasa nito ang sinulat namin kahapon sa PM tungkol sa ginawang panlalait-paninira ni Jimmy Bondoc kina Nyoy Volante at Nina sa kanyang gig sa Blue Wave Bar nung nakaraang linggo.
Pero bago yun ay kinausap muna nito ang kanyang alaga, inalam muna ng manager ng acoustic singer kung ano ang totoong nangyari, saka uli ito tumawag sa amin.
Kahit si GR (Girlie Rodis) ay hindi kumunsinti sa ginawa ng kanyang alaga, pinangaralan nito si Jimmy, pina yuhan na para wala nang pagmulan ng anumang isyu ay kailangang tumigil na siya sa pagpaparinig kina Nyoy at Nina.
Pero gusto naming bigyan ng espasyo ang isang paliwanag ni Jimmy sa pamamagitan ng kanyang manager, “Yung pagmumura niya, hindi para kay Nyoy yun, kanta yun na ginawa niya na siyempre, ang naging inspirasyon niya nung buuin,” ang pagbi-break nila ni Nina.
“Ang pinaka-lyrics ng kanta, e, parang tarantadong puso ito, nasaktan na, pero hayun at kumakatok pa rin. May lyrics talagang PI yun, pero hindi intended for Nyoy na tulad ng akala ng mga nakarinig,” paliwanag ng manager ni Jimmy.
Pero pareho kami ng opinyon ni GR, hindi hinihingi ng pagkakataon sa isang edukadong lipunan ang mga ginagawang paninira ni Jimmy kina Nyoy at Nina, walang pakialam ang mga nanonood ng kanyang gig sa problema nilang tatlo, ang pakialam ng mga ito ay ang maglibang sa pamamagitan ng pakikinig ng magandang musika.
At kung talagang matapang si Jimmy ay harapin niya ang taong kinamumuhian niya dahil sinulot daw siya, hindi yung kung kailan wala si Nyoy ay saka siya yakyak nang yakyak, traydor ang ganung klase ng tao.
Magsukatan sila ng lakas ni Nyoy sa labas ng bar, maghampasan sila ng gitara kung talagang kinakailangan, hindi yung ganun na sa harap mismo ng publiko ay nilalait-sinisiraan niya ang mga taong hindi naman siya ginagawan ng masama.
Ang mga kaibigan naming nakapanood sa kanya nang gabing si raan niya ang kabe-break lang na magkarelasyon ay umalis agad, gusto pa sanang maglibang ng mga ito pero ang kanilang katwiran ay hindi na sila kumportableng manood pa dahil bastos ang pinanonood nilang performer.
* * *
Kapuri-puri ang ginagawang pa nanahimik nina Nyoy at Nina sa kabila ng mga patutsada laban sa kanila ni Jimmy Bondoc, dun mo mapapatunayan ang pagiging edukado nila, pare-pareho lang naman silang nakapag-aral pero inilalagay nina Nyoy at Nina ang kanilang mga sarili sa tamang lugar.
Wala kang maririnig na sagot mula kay Nyoy, kahit si Nina ay tahimik na lang na nasasaktan, habang para namang binabaeng walang magawa sa buhay si Jimmy.
Tama ang obserbasyon ng aming mga nakausap, ang mga ginagawa namang paninira ni Jimmy sa dalawa ay sa kanya mismo bumabalik, nasaan na nga ba ngayon ang mayabang na acoustic singer?
“Yung pagiging bitter niya, yung pagiging ungentleman niya, yun ang reason kung bakit wala na siya sa mainstream. Saka first and last time ko na siyang panonoorin, hindi na mauulit pa yun, ang mga gigs na ni Nyoy ang hahanapin namin ng mga friends ko,” sabi pa ng kababayan na ting naapektuhan sa ginawa ni Jimmy.
Maraming salamat kay Girlie Rodis sa pagrespeto sa aming propesyon at opinion, maraming salamat, dahil hindi nito kinukunsinti ang kanyang alaga na lumalampas na sa linya ng kagandahang-asal kung upakan sina Nyoy at Nina.
Pasalamat si Jimmy dahil mga edukadong tao ang natapatan niya, paano kung kasing bastos niya rin ang kanyang matapatan, di rambol na ito?
Tuloy, kahit pa nagpapakalalaki siya ay marami nang nagdududa sa ka sarian ni Jimmy Bondoc, may mga nag-iisip na tuloy na hindi siya tunay na lalaki dahil sa katabilan ng kanyang dila.
- Latest