Maja, torn between 2 suitors

Napakaswerte  na­man ni Maja Salvador, tatatlong taon pa la­mang siyang nag-aar­tista pero, heto at ma­ga­gandang roles na ang naibibigay sa kanya, mga roles na palaging sinusubok ang kanyang galing sa pag-arte.

Sa Pangarap na Bituin isang serye na kasalukuyang tumatak­bo sa ABS CBN ay lu­me­level na siya kina Sarah Geronimo at Rica Peralejo bilang isa sa Jewel Sisters. Binig­yan din siya ng isang loveteam sa ka­tauhan ni Jay-R Sia­boc at ang istorya nila ay nagbibi­gay kilig sa mga mano­nood ng serye. Sila sina Kim­berly Bautista aka Ruby Gomez, isa sa mga Jewel sisters at Jeffrey Tuazon, anak ng isang makapang­yarihang manager  at anak-ana­kan ng isang ki­lalang co­lumn­ist.

Hindi maganda ang ka­ni­lang pag­kiki­lala kaya siguradong susun­­dan ang bangayan ni­lang dalawa bilang JeRuby.

Binigyan ng magka­samang presscon ang dalawa na nataon sa 19th birthday ni Maja. Sinorpresa siya ng staff ng Pangarap gayun­din din ni Jay-R na binig­yan siya ng regalong ku­wintas na ikinataas ng kilay ng ma­rami na boto na­man sa tandem ni Maja at Jason Abalos.

“Binig­yan niya ako ng relo,” sagot ni Maja sa tanong kung ano ang birth­day gift sa kanya ni Ja­son na hindi na sik­reto ang pag­­tatangi sa dalaga.

“Mahal ko siya,” ang sabi naman ni Jay-R nang tanu­ngin kung ano ang na­da­rama niya sa kapa­re­ha.

Mapapa­nood ang Pangarap na Bituin gabi-gabi, pagkatapos ng Lastik­man.

* * *

Masaya ako nang ma­laman ko na sold out pala ang ticket para sa It’s Time con­cert nga­­yong gabi ni Billy Craw­ford sa  Ara­neta Coli­seum. Nung una kasi akong mag­ta­nong na­unang ma­ubos yung mga ma­ma­haling tick­et, marami pang natiti­rang mura pero as of yesterday morning, ubos na kaya pati press mag­kakasya na lamang sa tig-iisang tiket.

Isang anak-ana­kan ko si Billy na hindi pa gaanong recog­nized ang talento dito sa atin gayong very proud siya to be a Pinoy. Siguro dahil nauna siyang sumi­kat sa abroad, gayun­din ang kanyang  mga rec­ords.

Pero, lahat ng mga guests ni Billy ay nag­sasabing ma­gan­da at naiiba ang It’s Time, kapag napa­nood mo raw ay ta­lagang ipag­mamalaki mong Pinoy si Billy. Mahirap pu­muri at baka masabing PRO pa ako, manood na lang kaya kayo. See you there!

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments