Ate Guy, sinasanto ang slot machine!?
Suwerte pa rin si Nora Aunor. Kasi abswelto siya at ngayon ay pwedeng makabalik at i-activate ang kanyang career at i-regain ang kanyang pagiging superstar, kesa naman nasa Amerika siya at kung anu-anong kwento ang lumalabas na kesyo lahat ng Pilipino na nakikilala niya roon, inuutangan para may pang-Casino siya.
Kuwento nga ng isang kaibigan, minsan daw ay may nakasalubong itong isang Pinoy sa Vegas. Since na-starstruck ang Pinoy, kinausap nito si Ate Guy. Kaso inutangan daw ito ng superstar ng $100 na sabi na lang daw ng Pinoy ay sa kanya na lang at ‘wag nang bayaran.
Kinuha pa raw ang telephone number ng Pinoy ni Ate Guy at tinawagan pa ito para manghiram uli ng pera. Sa first call daw ay nakipagkita ang fan pero second and third call ay hindi na nito sinagot.
Grabe rin daw kung santuhin ni Ate Guy ang slot machine as in dinadasalan ito ng superstar.
But anyway, ngayong abswelto siya, inaasahang balik-‘Pinas na siya para naman matapos na ang usap-usapan sa kanya.
* * *
Ayaw nang pag-usapan ng mala-Diyosang si Ruffa Gutierrez ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Mas ma-appreciate niyang pag-usapan ang bago niyang endorsement na MET Whitening Soap na nagkaroon ng launching the other day.
Mas marami raw kasi ngayong nakakapansin na sobrang puti niya. In fairness nga at parang walang bakas ng kahit anong sakit na naranasan niya noong nasa
“Mula nang ginamit ko ang MET, napaka-radiant na ang beautiful skin ko. Kaya nga kahit yung mga kaibigan ni mommy (Annabelle Rama), pag nakikita ako, tinatanong ako kung ano ang ginagamit ko dahil daw parang nag-iba ang skin ko,” sabi ni Ruffa.
Manufactured pala sa
Well, try kaya nating gumamit baka sakaling maging ala-Ruffa rin ang skin natin. Mabibili sa lahat ng Watsons ang MET.
Anyway, since dumating sa bansa ang actress, sunud-sunod na ang commercial endorsements at TV shows.
Kasalukuyan namang nasa Amerika ang mommy at daddy niya para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas sa October 8.
* * *
Isa si Rufa Mae Quinto sa masasabing artista na sa pagdaan ng panahon ay nanatiling nakaapak pa rin ang mga paa sa lupa sa kabila ng mga tinatamasa niyang tagumpay bilang sexy actress.
Ngayon ay hindi na lang basta pag-aartista ang ginagawa niya kundi nagi-invest na rin siya bilang producer sa latest offering ng Viva Films na Apat Dapat, Dapat Apat kung saan siya rin ang artista kasama ang mga katulad niyang mga di-kalibreng komedyante na sina Eugene Domingo, Pokwang and Candy Pangilinan sa direksyon ni Wenn Deramas ka-tandem ang magaling na writer na si Mel del Rosario na nagbigay ng blockbuster movie na Ang Cute Ng Ina Mo.
Hindi rin niya ini-expect na sa pelikulang ito niya mahahanap ang mga bagong kaibigan nang gawin nila ang pelikula.
In fact, hindi nga niya napigilang umiyak dahil hindi niya raw ini-expect na makakakuha siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng tatlong komedyante na nakasama niya ng matagal-tagal din sa shooting.
At lalong mas tumibay ang kanilang pagkakaibigan nang magsama-sama sila sa shooting ng pelikula sa Hongkong.
“Siyempre noong una hindi naman talaga kami comfortable pa na magkakasama dahil first time ko silang lahat nakasama. Parang nakabukod ako parati, pero parang habang tumatagal ay naging mas malalim na ang nasimulan naming friendship. Nagkukwentuhan na kami ng mga problema namin,” sabi ni Rufa Mae na hanggang ngayon ay loveless pa rin after ng break-up nila ni Erik Santos.
Kaya naman lumabas na natural ang ginawa nila sa pelikula dahil madali nilang natapos ang pelikula.
“Nung nasa Hongkong kami, dun ko mas na-realize na nandoon talaga yung suporta namin sa isa’t isa,” she added. “Kami-kami lang dun ang nag-shooting pero naging madali.”
Excited na ang sexy actress dahil showing na sa October 10 ang pinakahihintay na pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat.
Magkakaroon ng celebrity and VIP premiere ang Apat Dapat, Dapat Apat sa October 8 sa Podium Cinema at premiere night sa October sa Cinema 10 ng SM Megamall.
- Latest