Niliwanag ni Rafael Rosell sa press launch ng Prinsesa Ng Banyera kahapon, Martes na hindi siya umurong sa Mano-Mano Celebrity Boxing dahil natakot siya kay TJ Trinidad na pinadugo ang ilong ni Jordan Herrera last Sunday.
Ayon mismo kay Rafael, “A month ago pa po ako tinanong kung pwede akong sumali sa Celebrity Boxing at nalaman ko na hindi po ako pupwede dahil ang Mondays, Wednesdays at Saturdays ang taping ng Banyera, Friday naman po ay rehearsals at blockings for ASAP ‘07 at Sunday may ASAP ako, so masyado akong hectic kaya nag-beg off po ako na hindi ako pupwede.
“At saka dapat kung sasali ka sa boxing dapat prepared ka at dapat hindi ka pagod or ngarag. Nakita ko nga si TJ (Trinidad), sinabi nga niya na nahirapan siya, dahil lagare siya, kaya I don’t know if he’s still going to continue pa.”
* * *
Hindi maganda ang dating ng sagot ni Angelika dela Cruz nung tanungin siya kung bakit mas pinili niyang magkontrabida sa Prinsesa Ng Banyera kesa sa Ysabella na unang ini-offer sa kanya.
Ayon kay Angelika ay unfair nga raw ang nasulat na tinanggihan niya si Judy Ann Santos at mas pinili si Kristine Hermosa.
Magkaibigan daw sila ni Juday years back pa at isa nga raw ang aktres sa nagturo sa tamang pag-arte ng mata.”
May nabago raw kasi sa script ng Ysabella at ang character na para sana sa kanya ay naiba kaya hindi tinanggap ni Angelika at mas maganda raw ang role niya rito sa Prinsesa Ng Banyera dahil dalawa silang bida ni Kristine. -REGGEE BONOAN