Mark at Marky, inintriga ni Billy

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang con­cert ni Billy Craw­ford sa Araneta Coli­seum ti­tled It’s Time na idaraos sa October 6. Kasama nito ang well-renowned French choreographer na si Maryss.

Naitanong namin kay Billy kung sino sa pala­gay niya ang mas maga­ling na dancer, si Marky Cielo o si Mark Herras. Sinabi nitong mas ma­ga­­ling si Marky na pa­borito ngayon ng GMA7.

Twenty five years old na ang world class per­former kung saan ikara­rangal ito ng mga Pinoy na naging NRJ Music Awardee sa Cannes, France.

Sa kabilang banda, ina­min naman ni Rufa Mae Quin­to na malapit lang silang magkaibigan ni Billy at lumalabas na­man sila for a date pero purely friendship lang ang namagitan sa ka­ni­la. Manonood ang ak­tres ng concert ni Billy.

Faith, Hinangaan Sa Cebu

Si Faith Cuneta ang tinaguriang Diva sa ma­kabagong hene­rasyon. Matapos mai-release ang kanyang album na “Faith Begins: The Live Album” at kumanta ng the­me song ng natapos na teleseryeng Impos­tora ay nagkasunud-sunod na ang singing com­mitment nito.

Maraming Cebuano ang humanga sa kan­yang husay sa pagkan­ta sa nakaraang Cebu Tour at naging guest pa ni Cong. Butch Pichay sa Chess Tournament Awarding Ceremony.

Kasalukuyan niyang pinu-promote ang “Min­san Pa” na pinasikat ni Zsazsa Padilla na gaga­miting theme song sa bagong Asianobela na malapit nang mapa­nood.

Katrina, Gusto Namang Maging Bida

Natutuwa naman si Katrina Halili na nabig­yan ng malaking break sa Marimar bilang kon­trabida. Ngayong sob­rang sama na ng ugali nito ay inaasahan ni­yang aani siya ng mura mula sa manonood.

“Pero kaya ko ring ma­ging mabait. Ayaw ko namang ma-type­cast na kontrabida, gusto ko namang ma­ging bida,” sabi niya.

Mala-Engkantong Pakikipag-Sapalaran

Mula sa manunulat na si Neil Gaiman at ng director na si Matthew Vaughn, isang pelikula ang inihahandog ng Paramount Pictures, ang Stardust, isang naka­ka­gayumang kasaysa­yan ng isang bulalakaw na napunta sa isang mahiwagang kaharian.

Nagsimula ang Star­dust sa pangarap ni Tristan (Charlie Cox) na ibigay sa kanyang ni­li­liyag na si Victoria (Sien­na Miller) ang isang bulalakaw na nakita niyang bumag­sak mula sa langit.

Nagulat si Tristan nang matuklasang ang bulalakaw ay isang ba­bae, si Yvaine (Claire Da­nes) at dito nagsi­mu­la ang walang kata­pusan nilang pakiki­pagsapalaran mata­kasan lang ang mga humahabol sa kanila- mula sa mababagsik na mangkukulam hang­gang sa mga baliw at ma­kapangyarihang prin­sipe, mga piratang lumilipad at nag-ees­padahang goblins.

Kasama rin sa cast sina Ricky Gervais, Ja­son Fleming at Rupert Evert sa mga di-malili­mutang papel.

Ang pelikula ay ipi­namamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng So­lar Entertainment Cor­poration at ipala­labas sa mga sinehan nga­yong Ok­tubre 10.

Show comments