Matt, Olyn, di na nag-uusap

Bilib kami sa pa­giging gentleman, loyal at honest ni Rayver Cruz dahil maski na kaliwa’t kanan na ang mga balitang naglala­basan tungkol sa di­umano’y relasyon nina John Prats at ng ka-loveteam niyang si Shaina Magdayao ay nanatiling tikom ang bibig niya.

Hindi naman siguro manhid ang batang aktor tungkol sa mga latest chisms sa show­biz dahil magkaka­sama sila sa iisang network at magka-grupo pa sa UD4 at sa programang ASAP ’07, pero ang tanging com­ment ni Rayver tungkol sa isyu ay, “As long as wala pong sinasabi si Shaina sa akin, hindi po ako naniniwala.  Sa kanya lang po ako maniniwala,” very ho­nest na pahayag ng binatilyo.

Hindi naman iti­nanggi ng ka-loveteam ni Shaina na kung sakaling totoo nga na may relasyon ang babaing minamahal niya at ang kaibigang si John ay magi-give way siya dahil katwiran niya, “Siguro po, hindi talaga ukol at saka bata pa naman kami, willing akong mag­hintay,” saad pa.

Naapektuhan ba siya sa mga naririnig niyang tsismis tungkol sa ka-loveteam at kay John?

“Hindi ko po kasi alam ang buong kuwento, hindi naman kasi ako nagbabasa ng pahayagan at wala rin namang nagsasabi, so wala po akong alam o kung mayroon, hindi de­talyado. So hihintayin ko na lang si Shaina na magsabi kung sa­sabihin nga niya, pero sa kanya lang po ako maniniwala talaga,” magan­dang paliwanag ng bina­ tilyong aktor.

Napakasuwerte ng babaing ma­kakarelasyon ni Rayver dahil bukod sa super bait, gentleman, may breed­ing, nag-aaral at higit sa lahat man of few words.

Samantala, sina Rayver at Shaina ang featured artist sa Your Song na mapapanood this Sunday pagka­tapos ng ASAP ’07 para sa awiting “Just A Smile Away” ng Shamrock.

* * *

Gaano katotoo na ilang linggo nang hindi nag-uusap o nagkikita ang mag-sweethearts na Matt Evans at Olyn Meimban?

Ito ang tsika sa amin ng taga-Dos na hindi raw nagkikita’t nag­kakausap ang dalawa dahil bisi-bisihan daw ngayon ang aktor sa pagta­tapos ng Pedro Pen­duko at ang mga Engkantao this Oct­ober.

“Lagare kasi si Matt sa taping din ng Hairy Harry ng Love Spell, so wala siyang time, pero ang alam ko, nagte-text siya kay Olyn, hindi ko lang alam kung sinasagot kasi minsan si Matt makikita mo malung­kot, hindi kumikibo,” kuwento sa amin.

Dagdag kuwento pa sa amin na, “Baka nag­selos na talaga si Olyn kay Melissa (Ricks)?”

Sabagay, sinus­u­bukan din naming tawagan si Olyn pero hindi namin siya ma-reach. – REGGEE BONOAN

Show comments