Billy vs. Christian

Magkakasabay pa pala ng concert sina Billy Craw­ford at si Chris­tian Bautista. Aywan naman kung bakit kai­langang magka­sabay pa sila, pero siyempre mas maliit lang naman ang venue ng concert ni Christian.

Wala ring duda na ang concert ng dala­wang stars na yan ay ka­ki­kitaan ng suporta ng kani-kanilang mga net­works. Taga-Channel 7 si Billy habang nasa Chan­nel 2 naman si Christian.

Kung sa bagay mag­ka­iba naman sila ng mar­ket dahil hip-hop ang market ni Billy sa­man­­talang si Christian naman ay iyong mga ma­hi­hilig sa ballads.

Pero sa palagay na­man namin, hindi na kailangang pag-isipan pa yan dahil mas mali­wanag pa sa sikat ng araw na siyempre magi­ging mas malaking hit ang concert ni Billy kay­sa sa show ni Chris­tian. Kahit papa­ano na­man kasi, nakapag-pro­mote ng husto si Billy da­hil nag-host pa nga siya ng isang contest sa TV para lang makakuha ng mga dancers niya sa kan­yang concert. Sa ka­bi­lang banda naman, si Christian ay natira-tira pa dahil sa palpak niyang pagkanta ng national an­them ng Pilipinas sa isang boxing bout sa Alabang.

Pero natawa nga ka­mi sa usapan namin noong isang araw, dahil sabi nga nila sino raw kaya ang mas kakam­pi­han ni Kuya Germs. Itinutu­ring niyang anak si Billy, pero hindi naman maikakaila na ma­lapit din sa master show­man si Chris­tian, na sinasabi nga niyang sa tuwing kukum­bidahin niya sa kanyang show ay dumarating naman.

Pero siguro naman hindi na dapat pang intrigahin dahil si Billy naman, simula sa pag­kabata, lumaki na sa shows ni Kuya Germs noon pa man. Sina Christian naman ay mga bago niyang kaibigan, pero bi­nuksan naman niya ang kan­yang TV show sa lahat ng gustong mag-promote ng ka­nilang mga concerts hindi ba?

* * *

Maganda raw ang naging ratings sa pagsisimula ng ba­gong fantasy action series ng Channel 7, pero marami rin ka­ming narinig na mukhang ang inaabangan ng mga fans sa na­sabing palabas ay ang ba­guhang si Aljur Abrenica.

Malakas naman talaga ang dating ni Aljur, kahit na noong panahong contestant pa lang siya sa Starstruck. Noon pa man sinasabi ngang maraming nanonood ng show dahil sa kan­­ya. Iyon nga lang, siguro na­ging masyadong over confi­dent ang kanyang mga fans kaya natalo sila sa paramihan ng text votes.

Marami ang nagsasabing mukhang nasasapawan niya itong si Marky Cielo kahit na marami na itong shows. Muk­ha nga raw mas mala­kas pa ang batak ni Aljur kay­sa kay Dennis Tril­lo. Siguro kasi sawa na rin ang mga tao kay Den­nis dahil ilang taon na nga bang araw-araw siyang nakikita sa TV. Eh si Aljur ay ba­go, at saka malakas na­man ang personality noong bata.

* * *

Dapat daw na tawa­ging “flashback queen” din si Pops Fer­nan­dez. Ang mga kwento sa kan­ya ngayon ay yong da­­hilan ng paghi­hi­walay nila ni Martin Nievera 10 years ago, at saka iyong naging re­lasyon din nila ni Piolo Pascual noong araw pa rin. Puro nga mga flash­back na kwento ang lumalabas tungkol kay Pops.

Dapat magsikap na­man siyang mag­ka­roon ng mga bagong kuwen­to nang hindi puro flash­back ang sinu­sulat tung­kol sa kanya.

Show comments