In-assure ni Heart Evangelista ang fans ni Sarah Geronimo na hindi matatapakan ang singer-actress sa pagpasok niya sa Pangarap na Bituin. Gagawin lang niya ang role niya as Cassie Salcedo, ex-girlfriend ni Terrence Rodriguez (Jericho Rosales) at guest role lang ito, kaya ang mga bida pa rin ang magkakatuluyan in the end.
“The Next Big Thing” ang tawag ni Heart kay Sarah at alam niyang marami itong fans at ayaw nilang magalit ang mga ito sa kanya. Maganda at nakakaiyak daw ang role ni Cassie, kaya tinanggap niya at advantage sa kanila ni Echo na magkasama sa trabaho.
Ilang linggo pa ang Pasko, pero masaya nang in-announce ni Heart na White Christmas ang mangyayari dahil after three years, bati na sila ng kanyang ama. Nilinaw nitong hindi ang relasyon nila ni Echo ang rason, kundi ang pagpapa-interview niyang super strict ang ama.
“Napagbintangan lang si Echo, pero wala siyang kasalanan. Very happy nga si Echo na bati na kami ng dad ko at nag-iisip na siya kung paano kami lalapit na dalawa sa kanya.”
Ibinalita rin ni Heart na in-offer siyang isama sa soap nina Angel Locsin at Piolo Pascual, pero hindi niya tinanggap dahil feeling niya, kontrabida siya sa istorya at baka sumabay sa taping ng Batingting, ang bago niyang soap sa ABS-CBN. May gagawin din siyang movies sa Star Cinema with Aiai delas Alas at sa Regal.
* * *
Dumating na ang kinatatakutan ni Jean Garcia na maintriga si Jennica Garcia. Naiyak ang anak sa contract signing nito as the newest endorser/image model ng Bonjour de Corp nang usisain sa lumabas na blind item dahil sa sobrang PDA nila ni Mart Escudero sa taping ng Pasan Ko Ang Daigdig, pinayuhan ng ina ang ka-loveteam na gumamit ng condom.
“Hindi sasabihin ng mom ko ‘yun, kilala ko siya. Ang sinabi lang niya sa amin ni Mart ay ‘wag magmadali sa pag-ibig at career muna ang unahin. Nag-promise rin ako sa dad ko na sa career ko ako magpu-focus at tutuparin ko ‘yun,” wika nito.
Nagtatanong si Jennica kung ano ang nagawa niya para masulat ng hindi maganda. Ang payo na lang ng manager nitong si Manny Valera ay maging careful sila ni Mart sa kanilang mga kilos lalo na ‘pag maraming tao sa paligid.
Ipinaintindi rin kay Jennica na marami pang kontrobersya ang darating sa kanya habang dumarami ang trabaho niya at nagkakapangalan siya sa showbis. Bukod sa PKAD, napapanood siya sa Boys Nxt Door at showing sa Oct. 31 ang Haunted House (dating Hide and Seek) nila ni Mart.