Tanggapin kaya ni Aiko ang nagsisising asawa?

Yung bar owner na kontrobersyal ngayon dahil unti-unti nang lu­malabas ang mga mila­grong ginagawa niya ay may malaking panana­gutan din sa kanyang mga kasosyo.

Hindi lang ang paki­ki­pagrelasyon niya sa mga nagguguwapu­hang young actors ang pak­sang pinag-uusa­pan tungkol sa kanya, kundi pati na ang ma­laking halagang na­diskubre ng kanyang mga ka­sosyo na na­wawala, milyun-milyon ang sang­kot sa istor­yang ito.

Nung marinig namin ang kwento ay nagulat kami, tahimik kasi at marunong makisama ang taong yun, pero sabi nga ng mga kam­pong naisahan niya ay hindi naman sa pagi­ging ta­himik ng tao nasusukat ang kan­yang katapatan.

Takot na takot nga­yon ang taong yun sa isang personalidad na nakasosyo  nila sa isang sangay ng bar, gustung-gusto siyang makausap nito, pero pinagtataguan niya ang pamosong perso­nalidad.

Ang milagrong yun ang itinuturong dahilan ng marami kung bakit “nagbuhay-reyna” nga­yon ang bar owner, kung ano ang gusto niya ay madali niyang naku­kuha, kasama na run ang mga gwapong ba­gets na nagpapa­ligaya sa kanya.

Apat na young ac­tors ang bidang-bida ngayon sa mga kwen­to, sa mag­kakaibang panahon na­karelasyon ng bar owner ang mga ito, pangga­so­ lina lang daw ang dala ng mga batang aktor na nag­pupunta sa kanya pero kapag umalis na ang mga ito sa kanyang opi­sina ay pwedeng-pwede nang mag-shop­ping.

Nakakapanghinayang ang mahabang pana­hong pinagsamahan nila ng kanyang mga ka­ sosyo, hindi na kasi sila basta magkakane­gosyo lang, may ma­tinding pundasyon na ang ka­nilang pagka­kaibigan.

Pero dahil sa usapin ng pananalapi ay nag­kalamat ang kanilang samahan, hindi na pi­nahahawak ng pera sa alinmang branch ng bar ngayon ang taong ito, nagsanla kuno siya ng bahay at sasakyan para lang mabayaran ang milyun-milyong nawala sa kanilang pinagsos­yohang ne­gosyo.

* * *

Isang mensahe ang tinanggap ni Konsehal Aiko Melendez mula sa isang taong pareho nilang kaibigan ni Martin Jickain. Ang mensahe ay tumutukoy sa kagus­tuhan nang makipagka­sundo sa kanya ng ama ng kan­yang anak.

Ang unang tanong ng aktres-pulitiko, ga­ano kasinsero ang si­nasabi ni Martin, na­tural lang na mag-isip nang maka­lawa ang aktres dahil sa dami na ng mga nagla­labasang isyu tungkol sa kani­lang paghihiwalay.

Sinsero raw si Mar­tin, sabi ng kanilang com­mon friend, handa raw makipagkita sa kanya si Martin para sa sinserong panghihingi nito ng ta­wad sa kanya.

Ang naisip uli ni Aiko, kung totoong nag­sisisi na ang kan­yang asawa sa nang­yari, bakit meron nag­papakilalang otorisa­dong spokesperson ng modelo na pinalalabas siyang sinungaling?

Ayon sa kausap ni Aiko ay wala raw alam dun si Martin, ang ma­halaga ay gusto na raw nitong makipagbalikan kay Aiko, dahil miss na miss na raw ni Martin ang kanilang anak na si Marthena.

Kung si Marthena lang pala naman ang nami-miss ni Martin, kapag nagharap sila sa husgado sa October 12 para sa unang pagdi­nig sa kasong Perma­nent Protection Order (PPO, may hawak nang TPO ngayon si Aiko) na isinu­mite ng aktres ay pwede itong mabigyan ng pag­kaka­taong makita ang ka­nilang anak, kaya ba­kit kailangang mauna ang pagbabalikan kesa sa pagdinig ng kaso?

Yun din siguro ang naisip ni Konsehal Aiko, kaya ang sabi niya sa kanilang co­mmon friend ni Martin ay hindi niya tinatanggap ang sina­sabi ng kan­yang asawa, napaka­rami pa nilang kaila­ngang ayusing pro­b­lema bago yun mauwi sa pagkaka­sundo.

Pero bilang ina at babae ay balot ng ka­lungkutan ngayon si Aiko sa mga nangya­yari sa kanyang perso­nal na buhay, lagi siyang na­ngangarap na magka­roon ng isang relasyong maayos, pero mukhang ipinagdadamot pa yun sa kanya ngayon.

Sa kabila ng mga kaganapan ay tuloy pa rin ang kanyang buhay bilang isang public ser­vant, wala nga namang pakialam ang kanyang mga nasasakupan sa mga personal niyang problema ngayon at nauunawaan yun ng isandaang porsiyento ng aktres-pulitiko.

Show comments