Sikat na aktres, walang pambayad ng taxi!

Naikwento ng isang source na malapit sa sikat na aktres na naka-relate siya sa dinaranas  ngayon ng kan­yang kaibigang aktres. Dati rin siyang may matinding pagsu­bok pero nakayanan niya at ngayon ay ma­ginhawa na ang buhay niya. Ganito rin ang gusto niyang mang­yari sa sikat na ak­tres—ang bumangon para gumandang  muli ang buhay.

Sa isang party min­san ay  hinihintay ang magandang sikat na aktres. Pero gabi na ay wala pa rin ito kaya nasabi ng source na baka wala itong pa­masahe sa taxi pa­punta sa party. Pero nakarating naman ito kaya lang naging ma­ilap sa press.

Mother Ricky, Umiyak Sa Show

Ipinakilala na sa press people ang 11  contenders sa reality show na Hair Diva.  Inamin ni Moth­er Ricky Reyes na umi­yak siya habang nag­kukwento noong au­dition ang lahat tung­kol sa kanilang buhay. Naalala kasi niya ang nakaraang buhay. Kaya lang na­sabi nito na mas mapa­lad pa nga siya sa isang contender na dahil sa hirap ay ipi­na­migay silang mag­kakapatid.

“Kahit mahirap lang kami ay buo na­ man at masaya ang aming pamilya at nagma­ma­halan ka­ming magka­kapa­tid,” ani Mother.

Maraming pagba­bagong  ipina­kilala ang 11.  Ang isang con­stender na muk­hang lola ay pi­na­gupitan niya. Pina­ayusan ng buhok ang lahat para maging presentable. Bukod sa physical development ay tuturuan din sila tungkol sa commu­nication skills.

Kapusong Kontrabida vs. Kapusong Bading

Nauna nang nag­harap ang hosts ng Showbiz Central at Startalk na sinundan ng matitinding chal­lenges sa Round 2 ng FantasticMan vs. Boys Nxt Door. Ngayon namang Hu­webes sa Round 3 ang mga Kapusong Kon­trabida vs. Kapusong Ba­ding. Ga­rantisadong masaya. Hindi lang puro chika dito sa anim na taong kasama sa uma­gang Sis.

Yasmien, Sinampal Ni Maricel!

Natuwa si Yasmien Kurdi dahil nakasama niya sa pe­likula ang hinahangaang si Maricel Soriano—ang Ba­hay Kubo ng Regal Enter­tain­ment. Hindi nito maka­limutan ang isang eksenang sinampal siya ni Maria at nakabuti na­man ito dahil nakaarte siyang mabuti.

Pagkatapos naman ng take ay niyakap siya ni Maria at humingi ng sorry. Isa itong panlaban ni Yasmien sa da­rating na awards night  ng Metro Manila Film Festival Philippines.

Show comments