Sarah, sobrang lungkot  sa pagkamatay ng lola

Sad news ang su­malubong kay Sarah  Geronimo the other day nang dumating siya sa ban­sa after ng more than a month na US con­cert tour ng Sarah Geronimo in Motion. Namatay kasi last Sat­urday ang kanyang favorite lola.

Kaya naman hindi muna magawang mag­kwento ng singer/ac­tress sa tagumpay ng kanyang concert sa 12 cities sa Amerika dahil sa sobrang kalung­ku­tang nararamdaman.

Buti na lang at na­nood ang kanyang lola sa kanyang super suc­cessful concert sa Ara­neta Coliseum kung saan naka-wheelchair itong dumating at kinan­tahan pa ni Sarah.

Next week, back to work si Sarah.

* * *

Looks like nag-stay na for good sa bansa ang singer na si Keith Martin. Remember him? Siya yung voice behind the super hit sa bansa na “Because of You” na natatandaan kong theme song noon nina Ara Mina and Jomari Yllana.

Hindi na pala siya umalis ng ‘Pinas after niyang mag-promote noon ng nasabing kan­ta. At ngayon after ng sin­gle monster hit ni­yang ‘yun, hindi na siya masyadong kuma­kanta, nagma-manage na lang siya ng isang female singing group.

The other night, ka­sama na siya sa group ng mga host ng pro­gramang Sabado Boys hosted Jimmy Bondoc, Paolo Santos, Mike Chan, Luke Mejares Top Suzara and DJ Myke.

Ang Sabado Boys ay nasa ika-third season na at napapanood sa RPN 9, every Saturday 9:00 to 10:00 p.m.

Kilalang magagaling na singer sina Jimmy, Paolo, Luke and Top kaya hindi ninyo na ka­i­la­ngang gumimik para makinig ng mga music nila with matching kon­ting tawanan. May kan­ya-kanya silang seg­ments like Kantang Kal­ye, Jamming, Spot­light among others na sini-share nila sa view­ers ang kanilang know­ledge when it comes to music.

At least for a change, hindi sila nagsisigawan habang kumakanta.

Anyway, nang tanu­ngin si Jimmy kung pu­wede kayang mag-guest sa programa nila ang ex-girlfriend niyang si Nina, say ng singer, ok lang naman daw, ‘wag lang si Nyoy Vo­lante na ex-boyfriend din ni Nina though joke lang daw ng alagang singer ni Ms. Girlie Rodis.

Common knowledge na nagkaroon ng word war sina Nyoy at Jimmy. Lumabas ang mara­ming issue tungkol kay Jimmy na in the end ay na-vindicate naman dahil wala rin nga na­mang nangyari sa relas­yong Nyoy at Nina na sabay din halos nawa­lan ng career nang mag-split.

Ang Sabado Boys at produced ng ETCe­tera Product­ions.

* * *

Sa trailer pa lang, nakakatawa na kaya obvious na kikita ang latest offering ng Viva Films na Apat Dapat, Dapat Apat. Malamang ito ang maging biggest comedy film of the year. Consider the cast, the director, the writer and the big-time budget that Viva Films poured into the project.

Minsan lang mang­yayari na nagsama-sama ang kino-con­sider na apat na local cine­ma’s wackiest co­me­dians – Rufa Mae Quin­to, Eugene Do­mingo, Pokwang and Candy Pangilinan. Pi­nagsama rin ng Viva Films ang tandem nina Director Wenn Dera­mas and screenwriter Mel del Rosario. Ang kombi­nas­­yon nila ang nasa likod ng matagum­pay na Ang Cute Ng Ina Mo na tumabo rin sa takilya.

Idagdag pa na P30 million ang budget ng Viva kaya maraming nag­sasabi na mala­mang ay malampasan nito ang  Ang Cute Ng Ina Mo in terms of box-office result.

No wonder Viva’s Vincent del Rosario is excited. “We spared no expense for Apat Da­pat, Dapat Apat. We’re that confident it’s going to make it big,” he says.

Showing na sa Oct­ober 10 ang pelikulang feeling ko eh nakaka­sakit ng tiyan.

Magkakaibigan ang role nila rito na nagtagpo ang landas nang sakay sila ng bus na muntik nang mahulog sa ba­ngin. Salamat sa Diyos at himala silang naka­ligtas. Doon magsisi­mula ang kanilang pag­kakaibigan at sumumpa silang magiging magka­ibigan for life.

May kanya-kanya silang buhay sa Pilipi­nas, pero pawang mga hindi sila kuntento kaya nag-decide silang ma­ging overseas Fili­pino worker (OFW) sa Hong­kong.

Doon magsisimula ang riot ng pelikula – nang dumating sila sa HK.

Show comments