Photo exhibit ng Phil. Veterans Bank

Sa pelikulang The Great Raid ay sina­riwa ang Death March sa Capas noong pa­nahon ng Hapon. Ma­raming Filipino ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa ba­yan. Pero bihi­rang gumawa ng war mov­ies kung kaya’t photo exhibit ang ini­lunsad ng Philippine Vete­rans Bank para gu­nitain ang mga pag­hihirap at kabaya­nihan ng ating mga kaba­bayan noong World War II.

The Traveling World War II exhibit or A Tribute to the Fi­lipino Freedom Fighter ay umiikot ngayon sa Mindanao at Kabi­sayaan. Hanggang Oktubre 10 ito ma­sasaksihan sa Main Library ng Silliman University. Dadalhin ito pagka­tapos sa Tac­ loban ng Oktubre bilang paggunita sa 63rd com­memo­ration ng pag-landing ni General Douglas Mac­Arthur sa Leyte. Ang pamoso niyang iniwang salita ay ang “I Shall Return”.

Mga vintage photographs, arti­fact at memorabilia ang tampok sa natata­nging exhibit na kung saan isinasa­lara­wan ang isa sa madilim na historya ng ating bansa.

Dagdag kaalaman na rin ang old Silliman Hall University ang siyang ginawang Japanese garrison noong World War II.

Bukod sa Traveling exhibit, PVB provides 20% of its profits sa mga programa na ang ma­kikinabang ay ang mga beterano ng World War 2, their wi­dows and families.

A private commer­cial bank, PVB is owned by some 300,000 world war II veterans and heirs.  — RMU

Show comments